Bakit Ka Nakiki-“Thanksgiving Day”?

Last Thursday, November 25, the United States of America celebrated their annual Thanksgiving Day. Sa mga emails at social networking websites ay marami rin ang bumati ng, “Happy Thanksgiving Day” kasama na ang ilang Filipino na nasa Filipinas gayung wala naman pagdiriwang ng Thanksgiving Day ang ating bansa.

Ang Thanksgiving Day ay nagsimula sa USA as thanksgiving to God when the Pilgrims (o yaong mga kauna-unahang nanirahan sa Plymouth, USA mula sa Ingglatera) of the Plymouth Colony crossed the Atlantic in the year 1620.  Sakay ng Mayflower, isang malaking barko noong 1700s, ang 102 manlalakbay na Inggles ay dumating sa Plymouth noong Dec 11, 1620, matapos ang 66 na araw na paglalayag na kung saan 45 katao ang nasawi dahil sa hirap at sama ng panahon.

Ang kauna-unahang Thanksgiving Feast o Pista ng Pasasalamat ay isinagawa noong Taglagas (Fall or Autumn) ng sumunod na taon (1621) matapos umani ang mga Pilgrims ng kanilang pananim bunga ng pagdinig ng Diyos sa kanilang mga dalangin sa kabila ng mabagsik na nagdaang Tag-init. Nagdiwang sa pasasalamat sa Diyos ang 53 Pilgrims kasama ang 90 imbitado kabilang dito ang ilang katutubong Indians.

Sana ay hindi lamang tayo maki-Thanksgiving Day. Sana ay hindi lamang tayo bumati ng “Happy Thanksgiving Day” tuwing sasapit ang ikaapat na Huwebes ng buwan ng Nobyembre. Sana ay hindi tayo lamang tayo “maki-gulo” sa mga Amerikano sa kanilang pagdiriwang na ito yamang wala naman talaga tayong opisyal na “Thanksgiving Day.” Bilang mga Cristiano kahit Thanksgiving Day o hindi, dapat tayong magpasalamat sa Diyos. Ang turo sa atin ng ating Apostol:

always giving thanks to God the Father for everything, in the name of our Lord Jesus Christ. (Eph. 5:20)

“give thanks in all circumstances, for this is God’s will for you in Christ Jesus.” (1 Thess 5:18)

Napakaraming dapat ipagpasalamat sa Diyos. Sa katunayan, walang tayong maidadahilan upang hindi makapagpasalamat sa kanya. Ngunit nais kong banggitin lamang ang ilang bagay na dapat nating ipagpasalamat sa Diyos.

Bilang mga Cristiano magpasalamat tayo sa Diyos sa pagpapatawad niya sa lahat ng nagawa nating kasalanan mula noong tayo’y magkaisip. Isipin nyo kung tayo ay hindi pinatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan, ano ang ibubunga nito? Walang iba kundi kamatayang walang hanggan. Ngunit dahil pinawi niya lahat ang ating kasalanan, walang basehan ang kamatayang walang hanggan na maghari o kahit maganap man lamang sa atin buhay. Ang pagpapatwad ng Diyos sa ating mga kasalanan ay “pumatay” sa  kamatayang walang hanggan upang ito’y hindi makapanaig sa bawat Cristiano. At ito’y isang bagay na dapat nating ipagpalasamat sa Diyos hindi lamang tuwing Thanksgiving Day.

Ipagpasalamat din natin ang buhay na walang hanggan na kanyang ipinagkaloob sa atin. Ang dapat sana sa atin ay hatulan ng kamatayang walang hanggang dahil sa ating mga pagsuway sa kanya. Subalit sa halip na tayo’y kanyang parusahan, tayo ay kanyang binigyan ng buhay na walang hanggan, ang pinakamataas na uri ng buhay, sapagkat ito ang buhay na mayroon ang Diyos. Ngayon, dahil kay Cristo, hindi na tayo daranas ng paghahatol ng Diyos, sa halip ang dinaranas natin ngayon sa pamamagitan ni Cristo ay isang buhay na kakaiba at nakaugnay sa Diyos. Walang ganitong uri ng buhay tayong makikita sa ibabaw ng lupa kundi sa mga anak lamang ng Diyos.

Ang araw-araw na pag-iingat ng Diyos sa atin ay dapat din nating pasalamatan. Ang bawat segundo ng ating buhay ay nakasalalaly sa kagandahang-loob ng Diyos. Ang panganib at masasamang pangyayari ay nariyan lamang sa tabi-tabi at maaaring maganap sa atin anumang oras. Ngunti pasalamatan natin ang Diyos sa patuloy niyang pag-iingat sa atin.

Gayunpaman, kung tayo man ay nalalagay sa isang sitwasyon na hindi maganda, atin pa ring pasalamatan ang Diyos sapagkat hindi niya inaalis ang paningin niya sa atin. Madalas, mayroon siyang  nais ituro sa atin sa mga pangit na kaganapan sa ating buhay o kaya naman ay nais niyang hubugin ang ating karakter sa pamamagitan ng mga kaganapang iyon. Pasalamatan natin ang kanyang walang-kaparis na katalinuhan at walang-hanggang karunungan na kahit ang mga pangit na pangyayar sa ating buhay ay kaya niyang imaneobra upang magdulot ng magagandang bunga sa ating pagkatao.

Ipagpasalamat din natin ang mga tao na ipinagkaloob ng Diyos sa atin: ang ating mga magulang, mga kapatid, kaibigan, kapatiran sa iglesia, at iba. Sila’y mga pagpapala mula sa Diyos at siya ay may layunin sa paglalagay niya sa kanila sa ating buhay.

Ang mga bagay na tinatamasa natin ngayon, maliit man o malaki. Bawat bagay na nagbibigay tulong sa atin ay dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Ipagpasalamat din natin ang ginagawa ng Diyos sa ating buhay. Ang kanyang pagbabago at paghuhubog sa atin. Ang mga karanasang ginagamit niya, mapapait man o matatamis na karanasan, upang higit tayong malapit sa kanya at maitulad sa larawan ng kanyang Anak na si Jesu-Cristo. Huwag nating kalilimutang pasalamatan ang pagkilos ng mga kamay ng Diyos sa mga ganitong bagay.

Ganundin dapat nating ipagpasalamat ang mga bagay na wala tayo sapagkat kung nagkataong taglay natin ang mga iyon, malamang wala tayo kay Cristo o kaya naman ay mas magulo ang buhay natin o  kaya tayo ay nasa bingit ng kapahamakan ngayon. Akala ng maraming tao kapag sila’y napakaraming pera ay mas masaya. Not necessarily true. May mga pangyayari na dahil sa dami ng pera may mga tao na walang kapayapaan ang isipan. Mas lalo lamang naging kumplikado ang kanilang buhay. Kaya hindi lamang ang mga bagay na mayroon tayo ang dapat na ipagpasalamat, dapat ding ipagpasalamat ang mga bagay na wala tayo. Ang mahalaga ay may Diyos tayo. At ito ang huli kong nais banggitin, ang ipagpasalamat natin na mayroon tayong Diyos. Kapag mayroong Diyos ang isang tao, nasa sa kanya ang pinakamahalaga sa kanyang buhay. Ang sabi sa Ecclesiastes 2:25, for without him, who can eat or find enjoyment?” There is no satisfaction and no enjoyment without God. Kaya dapat nating ipagpasalamat na kilala natin ang Diyos at kilala tayo ng Diyos. To have God alone is more than enough for us to be thankful.

Huwag sanang masentro malalaking turkey o lechon o anumang pagkain ang pagdiriwang ng Thanksgiving Day. Nawa ay matuto tayo na tunay na magpasalamat sa Diyos. Bagamat walang opisyal na Thanksgiving holiday ang Filipinas, walang dahilan upang hindi tayo magpalasamat sa Diyos. Hindi ang selebrasyon ang mahalaga, kundi ang pakay ng selebrasyon. Bakit ka ba nakiki-Thanksgiving Day? Ano ang pakay mo sa pagsabi ng “Happy Thanksgiving Day”?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s