Ibigin Mo Ang Diyos Ng Iyong Buong Pagkatao

Sa Marcos 12:30, sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo ang ganito: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.’”

Ang ibigin ang Diyos ng buong puso, buong, kaluluwa, buong pag-iisip, at buong lakas ang pinakamahalagang utos sa lahat? Bakit ito? Sapagkat ito ang layunin ng pagkalalang niya sa atin. Walang ibang nais ang Diyos nang tayo’y kanyang lalangin kundi ang ibigin siya. Kaya nga tayo’y hindi niya nilalang na parang mga robot na sunod-sunuran lamang sa kanya. Kung lahat ng tao ay nilalang na parang mga robot totoong lahat ay magmamahal sa Diyos ngunit ang pag-ibig na iyon ay hindi kusa at hindi mula sa puso at isipan ng nilalang, kundi iyon ay isang pag-ibig (kung matatawag ngang pag-ibig) na inilagay lamang ng lumalang doon sa kanyang nilalang. Wala sinuman sa atin ang masisiyahan sa ganoong uri ng pag-ibig. Lalo na ang Diyos na ang layunin ay lumikha ng mga taong iibig sa kanya.

Ang kauna-unahang dahilan kung bakit tayo binigyan ng kalayaan na magpasya (free will) ay upang ang pag-ibig natin sa Diyos ay maging genuine o totoo. Upang ang pag-ibig natin sa Diyos ay maging lubos na totoo, kailangan mayroon tayong kalayaan na pumili kung mamahalin natin siya o hindi. Kung walang pagpili na maaaring gawin ang tao at siya ay nilikha na nakaprograma na sa kanyang isipan ang pagmamahal sa Diyos, ang pagmamahal na iyon ay hindi tunay na diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang tunay na diwa ng pag-ibig sa Diyos ay ang malayang piliin o tanggihan ang Diyos.

Ngayon ang tanong ay ito: Pinipili mo ba araw-araw na ibigin ang Diyos? Siya ba ay iniibig mo sa bawa’t araw ng iyong buhay o pinipili mo ang sumuway sa kanyang kalooban?

Ating tandaan natin na ang pag-ibig sa Diyos ay hindi nakikita sa ano pa man, kundi ito ay nakikita sa pagsunod sa kanya. Sa katunayan, para sa isang tunay na Cristiano, walang ibang nag-uudyok upang sumunod sa kalooban ng Diyos kundi ang pag-ibig sa kanya. Ang isang Cristiano na nagmamahal sa Diyos ay walang ibang naisin kundi ang sundin lagi ang kalooban ng Diyos.

Ang pag-ibig sa Diyos ang pinakamasarap na mararanasan ng tao sa buong buhay niya. Totoong ang kaligtasan ay isang masarap na karanasan din. Ngunit batid ng marami sa atin na kahit ang mga naligtas na ay mayroon pa ring posibilidad na kulang o kaya ay walang maalab na pagmamahal sa Diyos. Ngunit hindi dapat ganoon ang buhay Cristiano. Tayo ay dapat na mayroong maalab na pagmamahal sa Diyos na nag-uudyok sa atin na lumakad na may pagsunod at kabanalan sa kanyang harapan.

Ang mga Cristianong kulang o walang alab ang pagmamahal sa Diyos ay madalas na nahuhulog sa pagkakasala. Hindi dahil siya ay isang pastor o isang ministro o isang lingcod ng Diyos, siya ay mayroong maalab na pagmamahal sa Diyos. Maging ako mismo ay naranasan ko ang ganoong kalagayan. Nagpapakahusay ako sa teolohiya at sa iba pang mga bagay ngunit mayroong kulang. At ang kakulangang iyan ay nagdala sa akin sa maraming kabiguan sa buhay espirituwal at buhay Cristiano hanggang minsan hinanap ko ang Diyos sa gitna ng malaking kalungkutan at siya’y akng natagpuan at gumawa siya ng malaking pagbabago sa aking buhay. Ngayon ang pag-ibig ko sa Diyos ay nalagay sa mas mataas na antas na hindi ko pa naranasan sa loob ng 20 taon. At patuloy ang aking pagnanasa na lubos ko pa siyang mahalin sa aking buhay. Ngayon kapag may tukso na dumarating nasasabi ko na may kumpiyansa, “I love my God more than” at iyon ay nagbibigay ng patuloy na tagumpay sa akin. Noon ba ay hindi ko nasasabi ang ganoon? Wala ba akong kakayanan na sabihin noon, “I love my God more than that”? Sa totoo lang, ang aking sagot ay oo. Dahil alam kong alam ng Diyos na mahal ko siya ngunit mahal ko rin ang mga bagay na di niya kinalulugdan. Ang pagmamahal ko sa Diyos noon ay maaaring 50% lamang o 75% lamang, ngunit tiyak akong hindi 100%. Sa madaling sabi, hindi ko iniibig ang Diyos noon nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.

Maraming Cristiano ang hinuhukay na maigi ang kahulugan ng marcos 12:30 at pinipigang maigi ang kanilang isipan upang unawain kung ano ang ibig sabihin ng ibigin ang Diyos ng buong PUSO, buong KALULUWA, buong ISIP, at buong LAKAS. Umuubos sila ng mahabang panahon upang malaman kung ano eksakto ang ibig sabihin ng Panginoon sa talatang iyon ngunit walang panahon na ibigin ang Diyos. Ganyan ako noon. Ngunit ngayon, minamahal ko ang Diyos sa bawat maliliit at simpleng bagay na ginagawa niya sa akin at ipinagkakaloob sa akin. Sa katunayan, natutunan ko na ring mahain ang kaulungkutan dahil doon ko nakikita at nararanasan ang pag-ibig ng Diyos. Kung gagamitin ko ang bersiyon ni Pablo sa 2 Corinto 12:9, iyon ay ganito: “‘Ang [pag-ibig] ko (Cristo) ay sapat sa lahat ng [kalungkutan] mo; lalong nahahayag ang aking [pag-ibi]g kung ikaw ay [nalulungkot.]’ Kaya’t buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga [kalungkutan] upang lalo kong madama ang [pag-ibig] ni Cristo.”

Mayroon pang higit na karanasan sa Diyos kesa sa nararanasan natin ngayon. Huwag tayong masapat sa antas ng relasyon natin sa kanya na kinalalagyan natin ngayon. Magnasa at hanapin pa natin ang pag-ibig sa Diyos. Ibigin natin siya ng ating buong pagkatao – buong puso at buong buhay. Huwag tayong masiyahan sa “kauting” pag-ibig na iniaalay natin sa kanya. Higit na huwag tayong magkunwari na mayroon na tayong 100% na pag-ibig sa Diyos. Sa katunayan, ang mabisang paraan upang matuklasan ang pagmamahal sa Diyos ay ang pagpapakumbaba. Dahil ito rin ang isang kinagigiliwan ng Diyos. Minsan, kailangan munang mabasag ang ating puso upang makadaloy ng malaya ang mabangong samyo ng pag-ibig natin sa Diyos. Ilagak natin ang ating puso sa kanya at sabihin natin sa kanya na gawin niya ang nararapat upang ang puso natin ay magbigay sa kanya ng mabangong halimuyak ng tunay na pag-ibig sa kanya.

2 thoughts on “Ibigin Mo Ang Diyos Ng Iyong Buong Pagkatao

  1. tUlad mO iNiIbiG ko ang dios pero alam kung hindi sapat
    hIniling ko sa kanya na biGyan ako ng liwanag ang isip at ang puso
    upang mapunta ako. sa kanya
    mas gInusto ko poNg ibiGay ang aking sarili
    ng totoO at mula s kaibuTaran nito.
    Alam koNg mahal ako ng dios at alam ko na di nya ako iIwan..

    Salamat po aking ama sa kaliwanagan at di mO po ako iniwan

    nadama ko ang prEsenya ng dios sa isang makasalanang kagaya,
    di nya ako iniwan,,,

    salamat po..
    Ama

  2. alam ko poNg ako ay makasalanan
    .At alam ko rin pong katUmbAs ng kasalanan ay kamatayan.
    Pero kailan Man wang kagaya ko di nya itinakwil. ng ako ay lumapit sa dios.
    Isa po sinungaling na tao sagad hanggang bUto ang kasalanan ko.
    ngunit dahIl din sa uTos ng dios meroN isang bAgay ang nag udyok sa akin na tUmawag sa kanya. isa pO akoNg atletha.
    Ng akLan kailan wala si jesus sa puso ko at nagkunwari akoNg maButing tao, nagmalinis po ako.
    At iyoN ang napakalaking pagkakasala.
    Nag siSi ako at nag bAlik loOb sa kanya.
    nagpasalamat sa mga biyaya at ipinasok ko ang kanyang mga salita sa aking puso.
    At naramdaman ko ang prensenya niya,
    at ngayoN dama ko po ang pagIbiG ng dios. dakila at bAnal mapagmahal na ama at … kailan man
    Mula kaibuTaran ng aking puso iniIbiG ko ang dios ibA ng jasPer john lasala ako ngayoN pagkat nararamdaman ko ang pag ibiG ng dios sa lahat ng lugar at oRas alam koNg siya at narito
    upang iliGtas tayo,sa kasalanan maBuhay na walang hanggan sa kahAriaN ng langit..

    Amen,,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s