“Dinalaw Ng Diyos Ang Kanyang Bayan”

“Natakot ang lahat at sila’y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, ‘Dumating sa kalagitnaan natin ang isang dakilang propeta! Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan!’” (Lucas 7:16)

Ano nga kaya’t dalawin ng Diyos ang isang bayan? Ano ang mangayayari?

Matapos na maghimala ang Panginoong Jesu-Cristo sa bayan ng Nain sa pamamagitan ng pagbuhay sa isang binatang dapat sana’y ililibing na, nilukuban ng takot ang mga tao doon at kanilang nasambit na, “Dumating sa kalagitnaan natin ang isang dakilang propeta! Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan!” Totoong sila’y dinalaw ng Diyos sapagkat ang Panginoong Jesu-Cristo ay hindi lamang isang Dakilang Propeta, kundi siya ang Dakilang Diyos!

Marami sa atin ngayon ang nagnanais (at sino ang hindi) na makakita ng ganitong mga pangyayari. Na kung magaganap sa ating sariling bayan ang ganitong pangyayari, tiyak na ang mga Cristianong naniniwala sa himala ay maalab at madamdaming magpupuri at sasamba sa Diyos. I know that there is a desire among God’s people to witness the miraculous. They want to see the power of God manifested in their midst. Bagamat walang mali doon, hindi dapat na maging bunga ng laman ang pagnanais natin na makakita ng mga himalang mula sa Diyos. At lalong hindi tayo dapat tumulad sa mga Fariseo at Saduseo na naghangad na makakita ng mga himala upang subukin si Jesus kung siya nga ay mula sa Diyos (Mateo 16:4).

Ang padalaw ng Diyos ay hindi lamang nakikita sa mga himala. Sa katunuyan, dahil wala na rito sa lupa ang Panginoon tulad noong siya’y naririto noong mga panahon ng Bagong Tipan, totoong may kahirapan minsan na hatulan kung ang isang himala ay sa Diyos nga o hindi, sapagkat totoong maraming huwad na himala sa ating panahon. Ngunit hindi nangangahulugan ito na ang Diyos ay hindi na maaaring dumalaw sa kanyang bayan sa ating panahon. As a matter of fact, God can visit his people even without the presence of any miracles. And I’m convinced that we don’t need to see any miraculous signs na katulad ng ginawa niya sa bayan ng Nain upang ating masabi, “Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.”

It is true that if our hearts are always in tune with God, we would certainly know that God has visited us even if there is not a single supernatural manifestation present amongst us. Sa kabilang dako, kapag dinalaw ng Diyos ang kanyang iglesia o ang kanyang mga anak mayroong tiyak na magaganap. Ano ang posibleng maganap kapag dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan?

Una, ito’y nagbubunga ng tamang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao sa Nain ay sinidlan ng takot (o lubhang paggalang) at sila’y nagpuri sa Diyos (Lucas 7:16). This is not only applicable to the whole church but also to each individual as well. Sa oras na dinalaw ng Diyos ang kanyang anak, siya’y nagkakaroon ng tunay na paggalang sa Diyos na nagbubunga ng tamang pagsamba sa Diyos. Nababago ang kanyang attitude tungo sa pagsamba sa Diyos at lalong nagiging personal ang Diyos sa kanya. Bagamat bawat Cristiano ay mayroong personal na kaugnayan sa Diyos, kapag siya’y dinalaw ng Diyos, ang kanyang puso ay lalo pang nabibihag ng Diyos at ang Diyos ay nagkakaroon ng lubos na paghahari sa kanyang puso sapagkat ang Diyos ay nagkakaroon ng tamang lugar sa kanyang buhay. Dahil dito, ang kanyang buhay ay nababago.

Nais mo ba bilang isang Cristiano na makaranas ng isang sariwang pagbabago sa iyong buhay? Nais mo ba ng isang pagbabago na talagang makikita mo at masasabi mo na ikaw ngayon ay may lubhang paggalang at pagmamahal sa kanya? Pakanasahin mo na ikaw ay dalawin ng Diyos sa personal na kaparaanan. Pakanasahin mo na ang buhay mismo ng Panginoong Jesu-Cristo ay maging iyong buhay. Huwag kang titigil sa pagnanasa hanggang sa masabi mo, “Dinalaw ng Diyos ang kanyang abang anak.”

Pangalawa, kapag dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan, sila’y tumatalikod sa kasalanan. Nagkakaroon sila ng kakaibang panlasa ukol sa kasalanan – sila ngayon ay nasusuka at nasusuklam sa ano mang uri ng kasalanan. They become more committed to holiness that is seen in their daily life. Dahil ang Diyos ay laban sa kasalan, ang presensya niya mismo ay taliwas sa kasalanan. Hindi maaaring manatili sa buhay ng isang tao, lalo na sa buhay ng isang Cristiano ang kasalanan, kapag ang Diyos ay dumalaw sa kanyang buhay.

Bakit mayroong mga Cristianong alipin pa rin ng ilang uri ng kasalanan? At ano ang kinakailangan upang magapi ang umaaliping ito sa buhay ng isang Cristiano? We must understand that sin is a power principle. Hindi ito isang katangian lamang. Ito ay isang kapangyarihang espirituwal na kung pababayaan ay maaaring umalipin sa isang tao at maging sa isang Cristiano. At walang ibang paraan upang ito ay magapi kundi ang kapangyarihan ng Diyos. At dito natin kailangan ang pagdalaw ng Diyos sa atin.

Nang sabihin ng Panginoong Jesu-Cristo doon sa bangkay ng bata, “Binata, bumangon ka.” Ang binata ay bumangon mula sa kamatayan. Hindi maaaring makapanaig ang anuman, maging ang kamatayan, sa kapangyarihan ng Diyos. At kung ang isang binata na wala ng buhay ay muling ibinangon ng Panginoon mula sa kamatayan, gaano pa kayang palayain niya mula sa pang-aalipin ng kasalanan ang isang Cristiano? Kapag dinalaw ng Diyos ang kanyang mga anak, ang pang-aalipin ng kasalanan ay nagagapi.

Mayroon bang isa o higit pang uri ng kasalanan na tila ba umaalipin sa iyo ngayon? Nasahin mo ang pagdalaw ng Diyos sa iyong buhay. Pakauhawan mo ito. Seryosohin mo ito. Huwag kang titigil sa paghingi nito hanggat hindi mo nararanasan ang kanyang pagdalaw sa iyong buhay. Huwag kang makontento sa iyong kalagayang esirituwal ngayon. Nasahin mo ang pagdalaw ng Diyos na magbibigay sa iyo ng panibagong antas sa buhay espirituwal.

At pangatlo, kapag dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan, lumalaganap ang Salita ng Diyos. Sa talata 17 ng Lucas 7 ating mababasa na, “kumalat sa buongJudeaat sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa ginawa ni Jesus.” Hindi mapapalagay ang puso ng taong nakaranas ng pagdalaw ng Diyos kung hindi niya ibahagi ang kanyang naranasan. Hindi lamang iyon, ang buhay niya ngayon ay magsisilbing isang buhay na patotoo tungkol sa Panginoong Jesu-Cristo at sa kanyang Banal na Salita. Mas may kapangyarihan ang Salita ng Diyos sa kamay ng mga taong nakaranas ng pagdalaw ng Diyos. Hindi ko sinasabing walang kapangyarihan ang Salita ng Diyos mismo, kundi ang sinasabi ko ay mas mayroong kapangyarihang taglay ang Salita ng Diyos kung ang nagbabahagi nito ay ang mga Cristianong nakaranas ng pagdalaw ng Diyos sa kanilang buhay.

Nakalulungkot na maraming Cristiano ang kontento na sa kanilang pang-araw-araw na klase ng pamumuhay Cristiano gayung mayroon pang nakalaan ang Diyos sa kanila. Marahil tulad ng mga Israelita sa bayan ng Nain noon, kontento na sila sa kanilang pagiging Judio na sumusunod sa Kautusan ni Moises hanggang sa ang Panginoong Jesu-Cristo ay gumawa ng isang kamangha-manghang himala sa kanilang kalagitnaan at nasabi nila na, “Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.” Dahil dito nagkaroon sila ng kakaibang pananaw ukol sa Diyos, nagpuri sila sa Diyos, at ikinalat nila ang balita ukol sa Anak ng Diyos. Tayo man, sa personal na paraan, ay nais dalawin ng Diyos. Nais niya na magkaroon tayo ng sariwang pananaw at higit pang pagkakilala sa Dios. Nais niya na baguhin ang ating pamumuhay Cristiano at gawin  itong mas higit na makapangyarihan at mas higit na matagumpay.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s