Ang Pagiging Higit Ng Kagandahang-loob Ng Diyos

Ang kagandahang-loob ng Diyos ay tunay na napakanda. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay sapat ding totoo. Liban sa mga ito, ang kagandahang-loob din ng Diyos ay higit sa ano pa man.  Ngunit higit saan? Una, ito’y higit sa kautusan at kasalanan. Sinasabi ng Biblia sa atin na “the law was added so that the trespass might increase” (Romans 5:20a). Ang trespass o pagsuway na tinutukoy sa konteksto ng Roma 5 ay ang pagsuway ni Adan. Sinabi ni Pablo na ang kautusan ay ibinigay upang ang pagsuway ay maging higit. Ibig sabihin, ngayong ang kautusan ay naipagkaloob na sa tao, lahat ng kasalanan, simula kay Adan, ay naging mas malinaw at naging mas mabigat sapag ginawang mas tanyag ng kautusan ang kasalanan. Sa ganung pakahulugan ang kasalanan ay lalong sumagana o mas lalong naging higit. Ngunit nagpatuloy si Pablo sa pagsabi, “But where sin increased, grace increased all the more” (5:20b). Hindi sa ang kagandahang-loob ng Diyos ay maaari pang dagdagan. Sa halip, ipinapahiwatig lamang ni Pablo na ang kasalanan ay hindi maaaring higitan ang kadakillaan ng kagandahang-loob ng Diyos. Ang kagandahang-loob ng Diyos ay laging mas malaki, nakahihigit, at sagana kesa sa kasalanan. Tulad halimbawa na kung ang kasalanan ay kasinlaki ng barkong Titanic, ang kagandahang-loob ng Diyos ay laging kasinlaki ngAtlantic Ocean. At kung ang kasalanan ay lumaki at naging kaslinlaki ngAtlantic Ocean, ang kagandahang-loob ng Diyos ay laging kasinlaki ng buong daigdig. At kung magptuloy man sa paglaki ang kasalanan ay ito’y naging kasinlaki ng daigdig, ang kagandahang-loob ng Diyos ay laging kasinlaki ng Araw. Sa madaling sabi, ang kasalanan ay hindi maaaring higitan ang kadakilaan at kasaganaan ng walang katapusang kagandahang-loob ng Diyos. Ito’y laging mas nakahihigit sa kautusan at sa kasalanan.

Ang kagandahang-loob ng Diyos ay mas higit din sa mahigpit na pagtupad sa ano mang batas ukol sa pamumuhay espirituwal (o legalism). Sa pagkakataong ito, ang pagiging higit ng kagandahang-loob ng Diyos ay hindi tumutukoy sa pagiging sagana nito, kundi sa kalikasan nito. Ang mahigpit na pagtupad sa ano mang batas ukol sa pamumuhay espirituwal ay nagdudulot ng pagkaalipin at pagkatakot, habang ang kagandahang-loob ng Diyos ay nagdudulot ng kalayaan at pag-ibig. Tinuturuan tayo ng kagandahang-loob ng Diyos na magsabi ng “hindi” sa ano mang gawaing taliwas sa pagiging makadiyos at sa ano mang makamundong pagnanasa (Tito 2:11,12). Ang mahigpit na pagtupad sa ano mang batas ukol sa pamumuhay espirituwal ay mahigpit na hinihingi ang ating pagsunod sa mga patakarang gawa ng tao upang maging makadiyos. Hindi nito hinihikayat ang paglagong espirituwal kundi ang mahigpit na pagtupad lamang sa mga patakaran na siyang batayan ng pagiging makadiyos ng isang tao. At ito’y walang bisa na ilapit ng lubos ang sinuman kay Cristo. Sabi nga ni Apostol Pablo, “Kayo’y namatay nang kasama ni Cristo at hindi na sakop ng mga alituntunin ng mundong ito. Bakit pa kayo sumusunod sa mga alituntuning tulad ng “Huwag hahawak nito,” “Huwag titikim niyan,” “Huwag gagalawin iyon”? Ang mga ito’y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos kapag ginagamit” (Colosas 2:20-22). Sa kabilang dako, ang kagandahang-loob ng Diyos ay hindi lamang hinihikayat tayong lumago sa buhay espirituwal, kundi ito rin ay nagkakaloob sa atin ng ating mga kailangan para sa paglagong iyon. Sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang kanyang Salita at Espiritu upang tayo ay lumago sa ating buhay espirituwal. At habang tayo ay lumalago sa kanyang kagandahang-loob, tayo rin ay lumalago sa ating kaugnayan sa kanya na may ibayong pagtamasa sa kanyang kagandahang-loob at dahil dito, mayroon tayong higit na kamalayan na tayo ay mahal niya, kinakalinga niya, at laging handa na tulungan tayo kapag tayo ay nadadapa sa ating paglalakbay na kasama siya.

Ang kagandahang-loob ng Diyos ay higit din sapagkat ito’y bumabago ng buhay ng tao. Walang kasintulad ang kagandahang-loob ng Diyos sa pagkakataong ito. Walang kapangyarihan o puwersa sa buong sansinukob ang may kakayanan na bumago ng buhay ng isang tao kundi ang kagandahang-loob ng Diyos. Si Apostol Pablo ay nagsabi sa 1 Corinto 15:9,10, “Sapagkat ako ang pinakahamak sa mga apostol; ni hindi nga ako karapat-dapat tawaging isang apostol, sapagkat inusig ko ang iglesya ng Diyos. Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako’y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi sa dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.” Si Apostol Pablo ay minsang naging taga-usig ng Iglesia ng Diyos. Lubha siyang walang puso at napakasama na hindi lamang niya ipinatapon sa bilangguan ang mga Cristiano noon, bagkus sila’y kaniyang binugbog at ang ilan ay kaniyang ipinapatay (Mga Gawa 22:4,19,20). Ngunit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos siya ay naging isang bagong nilalang; nagbago ng lubos ang kanyang buhay. Siya na dating taga-usig ng Iglesia ng Diyos ay naging apostol ng Diyos para sa ikaliligtas ng mga Hentil. Siya na dating kaaway ni Cristo ay naging mangingibig ni Cristo at kampeon ng kabanalan at kagandahang-loob. Walang ibang paraan upang mabago ang buhay ng isang tao na tulad ng nangyari kay Apostol Pablo at sa marami pang Cristiano kundi sa pamamagitan kagandahang-loob ng Diyos. Sa kanyang sariling pag-amin ay sinabi ni Apostol Pablo, “Dahil sa biyaya ng Diyos ako ay naging ako…” (1 Corinto 15:10, ASD). Ano mang pagtupad sa kautusan ang gawin ng isang tao hindi siya kayang baguhin nito. Ano mang pagsunod sa mga patakarang gawa ng tao ang gawin ng isang tao hindi nito mababago ang kanyang masamang pamumuhay tungo sa makadiyos na pamumuhay. Ang tunay at hindi nagmamaliw na pagbabago ay matatagpuan lamang sa kagandahang-loob ng Diyos.

Higit ang kagandahang-loob ng Diyos sa ano pa man at ito ang paraan ng Diyos sa kanyang paghahari sa sansinukob sa ating panahon. Ang buong sangkatauhan ay inilagay ng Diyos sa ilalim ng kanyang kagandhang-loob na ngayon siya naghihintay lamang ng mga pusong magpapakumbabang lalapit sa kanya na walang anumang kailangang gawin. Iyan ay sapagkat ginawa na ni Cristo ang lahat para sa atin na siya ring nagbukas ng pintuan ng kagandahang-loob ng Diyos sa lahat ng nilalang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s