Isang Napakahalagang Kaloob

Sa paksa ng “giving” o pagkakaloob ang kadalasang nasa isip ng tao ay ang pagbibigay ng salapi sa iglesia. Marahil ito nga ang nasa isip ng ilan sa atin kapag ang pag-uusapan ay ukol sa pagkakaloob o giving. Totoo na ang pagkakaloob ng salapi ay itinuturo ng Biblia. Totoo na nais ng Diyos na magkaloob tayo ng sagana sa iglesia. At totoo rin na ang sinumang nagmamahal sa Diyos, sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanyang iglesia, ay tiyak na magkakaloob sa kanyang gawain. Subalit mayroong kaloob na higit pa sa salapi na maaari nating ibigay sa Diyos at ito’y walang iba kundi ang ating puso.

Sinumang Cristiano na may magandang trabaho, negosyo, o pinagkakakitaan ay nakakapagkaloob ng sapat sa gawain ng Panginoon. Sa katunayan, sila ang kailangang manguna sa pagakaloob sa iglesia sapagkat sila ang binigyang pabor ng Diyos upang magkaroon ng kasalukuyang trabaho, negosyo, o pinagkakakitaan. Gayun pa man, hindi sa laki ng kaloob sinusukat ng Diyos ang pagkakaloob ng isang mananampalataya kundi sa lagay ng kanyang puso. Kung wala ang puso sa pagkakaloob ito ay nababale-wala sa harap ng Panginoon. Ngunit dapat bang tumigil sa pagkakaloob ang isang Cristiano kung alam niyang wala siyang puso para sa ministeryo ng pagkakaloob? Hindi iyon ang tamang solusyon o tugon. Ang tamang solusyon ay ialay ng bawat isa ang kaniyang puso sa anumang bagay na kanyang ginagawa para sa Panginoon. Nais ng Diyos na naroon lagi ang ating puso sa anumang ginagawa natin para sa kanya at hindi tayo napipilitan lamang. Ito ang isang paraan ng pagkakaloob ng ating puso sa Panginoon. Umaawit tayo ng mga awitin tulang ng, “Lord, I give you my heart, I give you my soul. I live for you alone,” subalit ilan sa atin ang nakakaunawa kung ano ang ibig sabihin ng “I give you my heart”? Ang simpleng paraan upang ipagkaloob natin ang ating puso sa Panginoon ay lagyan natin ng puso ang anumang ginagawa natin para sa Panginoon, ito man ay pagkakaloob ng salapi o paglilinis ng bahay samabahan o paglilingkod o paggawa ng mabuti sa kapawa.

Ang dahilan kung bakit mayroong mga plano ang iglesia na hindi naisasakatuparan ay sapagkat wala ang puso sa planong iyon. Marahil naroon ang isip, talino, mga ideya, abilidad, at iba pa, ngunit marahil wala ang puso? Marahil napapanahon din upang imungkahi ko na sa anomang plano na isasagawa ng iglesia para sa susunod na taon ay itanong ng bawat isa, “Ito ba ang nasa puso natin o ito lamang ang gusto natin para mayroon tayong maisagawa?” At marahil ang mga nasa pamunuan ng iglesia natin ay dapat din na siyasatin nila ang kanilang mga tungkuling ginagampanan kung sila nga ay mayroong puso sa gawaing kanilang pinamumunuan, sapagkat kung walang puso, walang pagpapala mula sa Diyos, sapagkat sinsabi ng Biblia na ginagantimpalaan ng Diyos ang ating mga gawa kung naroon ang ating puso: “Akong si Yahweh ang sumisiyasat sa isip at sumasaliksik sa puso ng mga tao. Ginagantimpalaan ko ang bawat isa ayon sa kanyang pamumuhay at ginagantimpalaan ayon sa kanyang ginagawa.” (See Jer. 17:10 in NIV).

Ngayon, bakit napakahalagang kaloob sa Panginoon ang ating puso? Sapagkat ang Panginoon mismo ay nagkaloob hindi lamang ng kanyang puso kundi ng kanyang buhay mismo para sa atin. Ang Diyos Ama ay ipinagkaloob ang kanyang kaisa-isang Anak sa atin upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. At ang Diyos Anak ay ipinagkaloob ang kanyang buhay sa atin upang tayo ay magkaroon ng ganap na katayuan sa harap ng Ama. At ang Diyos Ama at ang Diyos Anak ay ipagkaloob sa atin ang Diyos Espiritu Santo upang tayo ay makapamuhay ng matagumpay sa ating bagong buhay (buhay espirituwal) na kaloob mismo ng Diyos sa atin. Lubos-lubos ang pagkakaloob sa atin ng Diyos. Ang pagkakaloob niya sa atin ng buhay na walang-hanggan ay isa ng napakahalagang kaloob, sapagkat hindi tayo maaaring magkaroon ng buhay na walang hanggan kung hindi ipinagkaloob ng Diyos Ama ang kanyang Anak sa atin upang maging kabayaran ng ating mga kasalanan. Ang ginawa ng Diyos para sa atin ay repleksiyon ng kanyang puso kaya marapat lamang na ang bawat gagawin natin para sa kanya ay repleksiyon din ng ating puso.

Sa pagdiriwang natin ng kapaskuhan, napakahalaga na ang ating puso ay nasa Diyos. Sa katunayan, walang totoong pagdiriwang ng Pasko kung ang ating puso ay wala sa Diyos sa ating pagdiriwang nito. Napakadaling maki-Pasko o makiayon sa agos ng karamihan sa kanilang pagiging abala sa Pasko ngunit wala ang puso sa Diyos. Hindi ito kakaiba doon sa kuwento ukol sa isang sanggol na mayroong kaarawan na napabayaan dahil sa sobrang kaabalahan. Naghanda ng malaking party ang mga magulang ng batang ito nang siya ay sumapit sa kanyang ika-unang taong kaatawan. Nagdatingan ang napakaraming bisita at mayroong mga tugtugan, sayawan, palaro, at iba pang mga gawaing pangkasayahan. Napakaraming regalo ang dumating na halos mapuno ang silid ng bata. Makalipas ang ilang oras, biglang nilang naalala ang batang may kaarawan? “Nasaan si baby?” Ang tanong ng isa sa mga bisita. Kukunin sana siya ng kanyang mommy sa kanyang silid subalit di siya nakita roon. Bigla silang nagkagulo sa paghahanap kung nasaan ang bata. Naglaho ang diwa ng kanilang pagdiriwang dahil sa nangyayari. Nataranta sa paghahanap ang kanyang mga magulang ngunit hindi siya makita. Hanggang sa sila ay tumawag na ng pulis upang iulat ang pangyayari sapagkat nagalugal na nila ang buong kabahayan ngunit hindi nila makita ang kinaroroonan ng bata. Nagsimula ng mag-imbestiga ang mga pulis at muli nilang ginalugad ang kabahayan. Muli nilang tiningnan ang silid ng bata na halos mapuno ng regalo at kanilang hinanap doon ang batang nakakagapang pa lamang. Kanilang hinalukay ang napakaraming regalo at doon ay tumambad sa kanila ang wala ng buhay na sanggol. Nakagapang siya sa mga bunton ng mga regalo at siya ay natabunan ng mga ito. Kasuklam-suklam ang ganitong uri ng pagdiriwang! Ang may kaarawan ay nalimutan dahil sa sobrang kaabalahan sa maraming bagay. At ganito rin ang nangyayari tuwing Pasko sa maraming tao. Wala ang kanilang puso sa may kaarawan, kundi nasa iba’t-ibang bagay. Nasaan ang inyong puso ngayong Pasko? Hindi ba’t marapat lamang na ipagkaloob natin ang ating puso sa Panginoon yamang siya ang may kaarawan? Wala ng napakahalagang kaloob sa ating Diyos kundi ang ating puso. Kaya’t simulang natin na ilagay ang ating puso sa anomang gagawin natin para sa kanya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s