Ang Kagandahang-loob Ng Diyos Ay Nasa Pasko

Nang ang Panginoong Jesu-Cristo ay isilang at nagkatawang tao, inilarawan siya ni apostol Juan sa ganitong pananalita: “The Word became flesh and made his dwelling among us. We have seen his glory, the glory of the One and Only, who came from the Father, full of grace and truth.” Ang Panginoong Jesu-Cristo ay nagtataglay ng nag-uumapaw na kagandahang-loob ng Diyos o grace of God. Christ himself is the personification of God’s grace. Kaya naman sa pamamagitan ni Cristo, ang suliranin, o sabihin na natin, anumang suliranin ng tao ukol sa kasalanan, sa kabayaran nito, at sa kapangyarihan nito ay naresolba na sa pamamagitan niya. Dahil dito, sa kanyang kilalang awitin na Amazing Grace, inilarawan ni John Newton ang kahanga-hangang biyaya ng Diyos. Sa katunayan, walang eksaktong salita ang maaaring gamitin upang ilarawan ng lubos ang kagandahang-loob ng Diyos. I believe that John Newton himself will agree that God’s grace is more than amazing. Lubhang higit ito sa anumang paglalarawan na maaaring ibigay ng tao.

Ang isang tema na madalas ay nalilimutan ng mga tao tuwing sasapit ang kapaskuhan ay ang tema ng grace of God. Totoog ang kapaskuhan ay may mga sanga tungkol sa pag-iibigan at pagbibigayan: “God so LOVED… that he GAVE,” yan ang sabi sa atin sa kilalang talata na John 3:16. Subalit kulang ang pagdiriwang ng Pasko kung wala ang isang napakahalagang sangkap nito, at iyon ay ang grace. Sa katunayan, ang grace ng Diyos ay paglalarawan ng isang uri ng pag-ibig na nagpapakumbaba. Sabi ng dating pastor ng Tenth Presbyterian Church of Phildelphia (Pensylvania, USA) na si Dr. Donald Barnhouse, “Love that goes upward is worship; love that goes outward is affection; love that stoops is grace.” Ang pag-ibig na ipinakita ng Diyos sa sangkatauhan noong si Jesu-Cristo ay isilang at magkatawang-tao ay pag-ibig na yumuyukod o nagpapakumbaba, sapagkat siya na Diyos na Kataas-taasan at Manlilikha ay naparito sa lupa upang patawarin at iligtas ang mga taong sa kanya ay nagkasala at nagrebelde. Paano nagawa ng Diyos ang pumarito sa lupa at patawarin at iligtas ang mga rebeldeng nilalang gayung mayroon naman siyang karapatan at kapangyarihan na lipulin na lamang ang mga taong ito na sa kanya ay palaban dahil sa kanilang patuloy na pagkakasala? Nagawa niya ang ganung bagay sapagkat lubhang minamahal niya ang mga taong ito at ang pagmamahal niya sa kanila ay nagtataglay, una sa lahat, ng grace (love that stoops), na kung wala nito, hindi maaaring magkaroon ng affection (love that goes outward) ang Diyos sa tao. Without grace, God cannot begin to love sinful men, because for God to love sinful men, the first and only way for him to do is to stoop down. And that is what grace is.

Si Maria ang unang nakayakap sa banal na Diyos sa pamamagitan ng sanggol na si Jesus. Subalit bago pa mayakap ni Maria ang banal na Diyos, niyakap na ng Diyos ang makasalanang tao. Nang magpasya ang Diyos na siya ay magkakatawang tao sa pamamagitan ng Diyos Anak, kanya ng niyakap ang makasalanang tao sa pag-ibig sa pamamagitan ng pagsama sa kanila. Sapagkat ang sabi, “The virgin will be with child and will give birth to a son, and they will call him Immanuel” –which means, “God with us.” GOD WITH US means God no longer considers man as his enemy. Siya ay sasama na sa kanila. Sila ang magiging tahanan niya. Ito ang grace ng Diyos. Ang yakapin ng Diyos sa pag-ibig ang taong makasalanan at manirahan sa piling nila ay isang larawan ng grace of God.

Ngayong kapaskuhan, ating bigyang higit na diin ang kagandahang-loob ng Diyos sa atin. Lahat tayo ay tumanggap ng napakagandang regalo, at iyon ay anggrace ng Diyos. Kung araw-araw ay dapat na Pasko para sa mga Cristiano, dapat araw-araw ang buhay natin ay puspos ng grace towards other people. Ipadama natin sa ibang tao na tayong mga tunay na nakaranas ng biyaya ng Pasko ay tunay ngang tinatahanan ng Diyos, that the phrase “God with us” is a reality among us. Ipadama natin sa kanila na totoong ang kagandahang-loob ang Diyos ay nasa Pasko.

Mag-iwan ng puna