Pulitika At Ang Pagiging Alagad Ni Jesus

“My kingdom is not from this world. If my kingdom were from this world, my followers would be fighting to keep me from being handed over to the Jews. But as it is, my kingdom is not from here.” (John 18:36 NRSV)

Ang pulitika ay tila ba mayroong mapang-akit na elemento. Nasabi ko yan kasi maraming Cristiano ang hindi makaiwas mula dito. Hindi lamang ang pumanig sa isang partido pulitikal, kundi ang pumasok mismo sa maruming daigdig nito.

Mababasa natin sa Bagong Tipan ang mga sumusunod:

“Do not be conformed to this world…” (Romans 12:2)

“Do not love the world or the things in the world. The love of the Father is not in those who love the world; for all that is in the world—the desire of the flesh, the desire of the eyes, the pride in riches—comes not from the Father but from the world.” (1 John 2:15-16)

“Adulterers! Do you not know that friendship with the world is enmity with God? Therefore whoever wishes to be a friend of the world becomes an enemy of God.” (James 4:4)

Taglay ng mga talatang iyan ang diwa ng daigdig ng pulitika: Desire of the flesh, desire of the eyes, the pride in riches, and the desire to be a friend of the world. Lahat ng ito ay hindi maiiwasan sa pulitika.

Sa katunayan, karaniwan ng iniuugnay ang mga pulitiko sa pagiging sinungaling. Sa katunayan, kelangan mong matutong magsinungaling kung gusto mong maging matagumpay ka sa larangan ng pulitika. Pero kung iniisip mong pumasok sa pulitika at maging matagumpay dito na hindi ka magsisinungaling, ikaw ay nahihimbang. Ang kaisipang yan ay isang panaginip lamang. Kelangang ng isang pulitiko na maging tuso at linlangin ang mga tao para siya ay maging matagumpay sa larangan ng pulitika. Ang matatamis na pananalita ng mga pulitiko habang wala pa sa puesto ay parang totoong-totoo. Parang walang halong panlilinlang. Pero sa oras na sila ay naupo na, doon lumalabas ang tunay na laman ng kanilang puso at isipan.

Hindi ko sinasabing walang nagagawang mabuti ang mga pulitiko. Siempre meron. Pero mabuti nga ba at tama nga ba na isakripisyo ng isang tunay na alagad ang kanyang pagiging tunay na alagad para lamang makagawa ng isa o dalawang magandang bagay sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika? Tama nga ba na hangarin ang magandang bagay na yun na ang kapalit ay ang pagsasaisantabi sa hangarin at mithiin na maing tulad ni Cristo sa mundong ito? Sa pagkaalam ko, si Jesus ay hindi pinasok ang larangan ng pulitika. Kaya naniniwala ako na ang isang tunay na disciple ni Jesus ay hindi dapat piliin ang landas ng pagiging pulitiko. 

At kapag sinabi kong “disciple” hindi ito tumutukoy sa sinumang nanalangin lamang ng “sinner’s prayer” o yung panalangin ng pagtanggap. A true disciple of the Lord is committed heart, soul, mind, and strength to following Jesus and his teachings towards Christ-likeness. Ang isang disciple ay mayroong hangarin,  intensyon, at mithiin na matulad sa karakter ni Cristo. 

Langis at tubig ang larangan ng pulitika at ang tunay na pagiging alagad ni Jesus. Pero mayroong mga Cristiano na pilit pinagsasama ang dalawang ito. Ikinakatuwiran nila na as long as you are going to church each Sunday and as long as you are doing your devotion and helping other people, you are OK. I don’t think so. Discipleship to Jesus Christ is not merely going to church, doing your devotion, helping other people. This is the wrong picture of discipleship. Discipleship to Jesus is imitating Christ, growing towards a Christ-like character. At hindi ka maaaring maging matagumpay sa hangarin na yan at the same time ay maging matagumpay ka sa larangan ng pulitika. You cannot serve two masters in this case. 

In politics you have to make promises that you know you won’t be able to fulfill but you have to make those promises to convince the people that you are the person for the position . You have to give people false hope in order to please them or pacify them. Pero kung Cristiano ka at sumablay ka sa mga bagay na yan, ang Cristianismo ang mapupulaan. Totoo na hindi ka perfect. But that’s the very thing you should realize. Kung alam ng isang tunay na disciple na maaari siyang makagawa ng isang mali at mapapahiya ang Pangalan ni Jesus, bakit kelangan niyang pumasok sa larangang yun? The political world is very unforgiving. Many times it’s harsh and notorious in fault-finding. Sisirarin nito ang isang Cristiano at doon ito nakaakma. Hindi kailanman nakadisenyo ang pulitika para hubugin ang isang Cristiano tungo sa larawan ni Cristo. Politics is of the world. At hindi sasantuhin ng pulitika ang isang Cristiano. Sisirain lamang ng pulitika ang ang isang Cristiano pero hindi siya pagbibigyan nito na maimpluwensiyan niya ang sistemang pulitikal. 

Kaya hindi kailanman maaaring pagsamahin ang pulitika at ang tunay na pagiging alagad ni Cristo. Isipin nyo, ang laging nasa isip ng tunay na alagad ay paano siya matutulad sa larawan ng Panginoon sa bawat araw. Sa kabilang dako, kapag ang isang tao ay pumasok sa daigdig ng pulitika, ang laging nasa isip niya ay ang mga bagay ng mundong ito. Maaaring sabihin niya na aakayin niya ang mundo tungo kay Cristo. Pero ito ay hindi daan ng matagumpay na pulitiko. Para maging matagumpay kang pulitiko hindi mo dapat banggiting madalas si Cristo sa mga ginagawa mo bilang pulitiko. In short, dapat manahimik ka sa pagiging Cristiano mo. Otherwise, kakainisan ka maging ng mga kapartido mo na walang sympathy sa pagiging Cristiano mo. Sa madaling sabi, walang daan na maaaring tahakin ang isang tunay na alagad ni Cristo sa larangan ng pulitika para siya ay maging matagumpay na pulitko habang siya rin ay isang masugid na tagasunod ni Cristo. Hindi ko sinasabing wala kang magagawang mga bagay na biblical or Christian in nature. Of course, meron. Pero hindi yun ang punto. The point is how does politics help you become more like Christ? And how does it gradually destroy as a follower of Christ? Of course, hindi mo sasabihin sa mga church mate mo (if you are still connected to a church by this time) na politics is gradually making your spirirual life stagnant. Ang sasabihin mo sa kanila i yung progress ng anit-corruption program mo. And when you die, people will perhaps remember you for fighting corruption. But nobody will know kung ano na ang nangyari sa kalagayang spiritual mo. You have to lie to them and to yourself. At this point, you have reached the true nature of a politician.

Ito ang dahilan kung bakit si Cristo mismo ay hindi tinahak ang larangan ng pulitika. Alam natin na gusto ng Panginoong Jesus na maligtas ang lahat ng tao. Kung tutuusin ang pinakamabisang paraan para mangyari yun ay ang maging Emperador siya ng Roma. Pero hindi niya hinangad na kunin ang kapangyarihang yun dahil ang kaharian ng daigdig na ito ay kontra mismo sa kanyang Kaharian.

Totoong nagpasakop si Jesus sa kapangyarihan ng pamahalaang Roma. Sa katunayan, siya ay nagbayad ng kanyang buwis. Pero iba ang magpasakop at sumunod sa kapangyarihan ng pamahalaan at iba rin ang makisawsaw sa mga gawain ng pamahalaan sa pamamagitan ng larangan ng pulitika.

Kung ang isang Cristiano ay nagpapasakop sa Kaharian ni Cristo, walang dahilan para makisawsaw siya sa mga gawain ng mga kaharian ng mundong ito.

Pag-isipan nyo ito. The Beast in Revelation 13 was the then Roman empire/government. The Four Beasts in Daniel are the political governments of (1) Babylon, (2) Medo-Persia, (3) Greece, and (4) Rome. The Beast in Scripture refers to the political system of government. So if the Beast (political government) is the antithesis of the Kingdom of God, then the subjects of the Kingdom of God should have nothing to do with the affairs of politics. Sa katunayan, ang tatak ng halimaw ay hindi literal na tatak. Ito ay simbolo lamang. At ang sinisimbolo ng tatak ay ang pagmamay-ari. Kapag nakalagak ang ISIP (tatak sa noo) ng isang tao sa pulitika (state government) at siya ay NAGLILINGKOD (tatak sa kamay) sa pulitika, siya ay pagmamay-ari ng pamahalaan (beast).

Kaya marapat lamang na iwanan ng mga followers ni Jesus ang pulitika sa mga kamay ng mga pulitiko at magfocus ang mga followers ni Jesus sa mga ipinapagawa ni Jesus sa kanila. Sa puntong ito maaaring meron magsabi, “Kung hindi kikilos ang mga Cristiano, walang patutunguhan ang bayan.” Ang pagkilos ng mga Cristiano para matulungan ang sariling bayan ay ang maging ilaw ng sanlibutang ito at hindi ang sumawsaw sa pulitika. Kung ikaw mismo ay hindi mo matulungan ang iyong sarili na lumago sa iyong pagtulad kay Cristo, paano mo matutulungan ang iyong bayan para ito ay mapabuti sa paraan na nakalulugod sa Diyos?

Maraming pulitiko ang nagsasabi na gusto nilang maglingkod sa bayan. Sa tuwing maririnig ko ang mga pananalitang ito ako ay nangingiti na lamang. Hindi kailangan maging pulitiko ang isang tao o ang isang Cristiano para maglingkod sa bayan. Marami sa mga kandidato ngayon na kapag hindi nanalo sa election ay hindi na makikita pang muli. Pero kung talagang gusto nilang maglingkod sa bayan, maraming paraan para gawin yun. Sa katunayan, maging ang mga mananalo ay hindi na halos makikitang naglilingkod sa bayan. Ang dahilan ay maskara lamang kasi ang mga katagang “serving the Filipino people.” Oo, gagawa ng kaunti para hindi lang masabi na walang ginawa. Pero karaniwan na sa mga pulitiko na ang dahilan kaya gusto sa puesto ay ang personal na ambisyon at personal na pakinabang na kanilang matatamo kapag sila ay naupo sa puesto.

Ang mga tagasunod ni Cristo ay hindi dapat sumali sa mga political game na ito. Madadaya at madadaya lamang ang mga sasali dito dahil ang pulitika ay isang maruming laro. At hindi dapat makipaglaro ang mga alagad ni Jesus sa ganitong klase ng laro.

Pagsasanay na Pangkaharian

Maraming humahanga kay Stephen Curry sa kanyang shooting ability. Sabi ng ilan, siya ay gifted shooter. Gifted as in what? As in wala siyang ginagawang anuman dahil meron siyang gift of shooting? Weird idea. Ang hindi alam ng marami si Stephen Curry ay nagpapractice na magshoot everyday. Kapag off ang NBA season Stephen is doing at least 500 shots everyday at during NBA season kelangan niyang magshoot ng 250-300 shots a day. No wonder that “many players and analysts have called him the greatest shooter in NBA history.” (www.bleacherreport.com)

Dahil sa training na ginagawa niya everyday parang normal na lang sa kanya ang maka-score whenever he releases the ball from his hand. Pero hindi mangyayari yun kung walang siyang ganung training o discipline na ginagawa everyday.

Pero ano ba ang “discipline” o “training” sa context ng Kingdom training? According to Dallas Willard “A discipline is an activity within our power that enables us to accomplish what we cannot do by direct effort.” Ibig sabihin, kung hindi mo kayang pigilan ang pagiging mainitin ng ulo mo o kaya ay di mo kayang ibigin ang iyong kaaway, huwag mong pilitin na gawin ang mga yun dahil hindi mo talaga DIREKTANG magagawa because your “spiritual muscles” are not yet conditioned to accomplish those. Be patient with yourself for the meantime. Pero you can do activities (the disciplines) within your power or ability na tutulong sa ‘yo para magawa mo ang hindi mo kayang direktang gawin. At kapag lagi mong ginagawa ang mga disciplines na ito, nakukundisyon ang “spiritual muscles” mo so that you can now easily and routinely accomplish what you previously cannot do by direct effort.

Ang mga athlete o mga basketball player ay masusing kinukundisyon ang lahat ng parte ng kanilang katawan sa training para magawa nilang maglaro ng mahusay pagdating ng actual game. Yan ang dahilan kung bakit kapag hindi nagpractice o nagtraining ang isang player s/he is not allowed by his/her coach to enter the game court during the actual game. Dahil magkakalat lang ang player na yun. So, training is very important. Ganun din sa spiritual life. You cannot experience or you cannot enter the court of the genuinely good, godly, and beautiful life without Kingdom training. Hindi mo mararanasan ang buhay na nilaan ni God para sa ‘yo kung walang spiritual disciplines. And one of the most essential spiritual disciplines in the Kingdom is solitude. Without the discipline of solitude, the other disciplines will become less effective.

Mga Tagasunod ng Kaharian

Nakakatuwang tingnan ang isang bata na ginagaya ang kanyang magulang sa mga ginagawa nito. Actually, it’s a normal thing para sa isang bata na gawin yun at iyon ang isang way para sa isang bata to learn to do things in life.

As followers of Christ in the Kingdom dapat din nating gayahin si Lord in the way we live our lives. Alam nyo ba kung anong prayer ang umaantig sa puso ni God kapag naririnig nya yun? Ang prayer na yun ay ito: “Lord, make me to be just like you.” Excited si Lord kapag naririnig nya ang prayer na yan. At dapat lang na maging prayer natin yan each day at maging heart’s desire natin yan everyday. Sabi nga ni Apostle Paul, “Be imitators of God, as beloved children (Ephesians 5:1).

Wala ng more glorious pa sa mundong ito kundi ang matulad tayo kay Jesus habang narito pa tayo sa earth at i-reflect ang heart ni Jesus sa ibang tao. Madali lang ang sabihin, “Christian ako” o “Born again ako.” Madali lang ang mag-praise the Lord. Madali lang ang umawit ng malakas sa church. Madali lang ang sumigaw ng “Amen.” Madali lang ang maging maingay na Christian. But what matters most to God is whether you are becoming like Jesus as you learn from him each day at pagkatapos ay ipamuhay mo ang kanyang buhay. For example, how are you going to react na tulad ni Christ sa mga situation na hindi maganda? Ano ang magiging reaction mo kung ikaw ay sigawan o murahin ng isang tao sa traffic o saan man? O kaya naman, ano ang magiging reaction mo kung meron naninira sa ‘yo sa personal man o sa social media? Will you react like Jesus? (see 1 Peter 2:23).

Kaya, marapat lang na we engage ourselves in Kingdom training para talagang ma-establish ang godliness sa buhay natin. Mere talk will lead to no where. Mere prayer is not enough (important though it is). We need to go to the “Kingdom Gym” and start the Kingdom training. At walang ibang paraan on our part para maging imitators ni God kundi ang Kingdom training kung saan we train our spiritual muscles para maging ready ang mga ito to practice and apply the teachings of Christ in our lives. Sabi ni Paul, “Train yourself in godliness” (1 Tim. 4:7).

Pagkatapos Ng Pasko, Ano?

Tapos na ang kaabalahan sa maraming bagay – shopping, mga party, etc. Tapos na rin ang mga “Christmas” party na may kasamang gawain na wala namang kaugnayan sa kapanganakan ng Panginoong Jesu-Cristo. Slow down na rin ang mga mapagsamantalang negosyante at maging ang mga madurukot at mga hold-up-er.

Para naman sa iba, totoong naging malungkot ang pasko dahil sa mga sakuna at krimen na naganap sa kanila o sa kanilang mga mahal sa buhay. Ganun din naman, ang ilan sa mga nagsimbang gabi ay hindi na uli babalik sa simbahan hanggang sa sumapit na muli ang susunod na simbang gabi. Still, for others, ito yung simula ng samaan ng loob dahil hindi nabigyan o simula ng inggitan dahil mas maganda yung natanggap ng kapitbahay.

Ngunit para sa ating mga Cristiano, pagkatapos ng Pasko, ano? Gagaya ba tayo sa mga taong babalik muli sa normal na pamumuhay? Gagaya ba tayo sa ilang tao na mawawala na sa kanilang isipan ang patungkol sa Diyos? Pagkatapos ng Pasko, ano?

Tayong mga Cristiano ay mayroong isang bagay na hindi dapat malimutan, isang bagay na kaugnay sa Pasko, sa halip ay dapat na paunlarin sa ating buhay, ito ay ang katotohanan na “God is with us” o ang Diyos ay kasama  natin. Napakagandang isipin na ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay kasama natin. Bagamat ang talagang kahulugan ng katagang “God is with us” ay ang pananahan ng Diyos sa lupa kasama ng sangkatauhan o yung kanyang pagiging tao at pakikisalamuha sa tao, ito rin ay maaaring mangahulugan na kasama natin ang Diyos sa personal na paraan.

Ang pagsama ng Diyos sa atin ay hindi nangangahulugan na hindi tayo daranas ng pagdurusa. Ang Panginoong Jesu-Cristo mismo, sa kabila na kasakasama niya ang Ama sa buong buhay niya ay dumanas pa rin ng pagdurusa. Ang mga apostol at ang mga unang Cristiano ay dumanas din ng pagdurusa ngunit hindi ito nangangahulugan  na hindi nila kasama ang Diyos. Ang pagsama ng Diyos sa atin ay hindi naglilibre sa atin mula sa anumang hapdi sa buhay.

Ang pagsama ng Diyos sa atin ay hindi rin nagbibigay garantiya na hindi tayo daranas ng pagdududa sa kanyang pag-iral. Noong taong 2008 habang ako ay nasa Fraser Park dito sa aming lugar at nakaupo sa isang bench, nakadama ako ng isang matinding pakikibaka laban sa pagdududa tungkol sa pag-iral ng Diyos. Dahil sa aking pagbubulay sa mga pangyayari sa daigdig at sa mga kahirapang dinaranas ng maraming tao, naitanong ko sa aking sarili kung mayroon nga bang Diyos na umiiral. Ang aking isipan ay tila ba nakukumbinsi na na ang paniniwala sa Diyos ay isang kahibangan lamang. Ngunit pinaglabanan ko ang kaisipang iyon. Ako’y tumayo mula sa aking pagkakaupo ay lumakad sa gitna ng parke at tumingala sa langit at aking sinabi sa Diyos: “Lord, I choose to believe in you.” Matapos kong bigkasin ang mga katagang iyon ang puso’t ispan ko ay pumayapa. At ang karanasang iyon ang simula ng mas malalim kong kaugnayan sa Espiritu Santo. Pagkalipas ng ilang lingo, naranasan ko ang kapuspusan ng Espritu Santo sa aking buhay na hindi ko pa naranasan mula ng ako’y maging Cristiano. Makalipas ang ilang araw matapos ang aking karanasan sa Fraser Park na iyon, nabasa ko sa isang aklat na maging ang batikang Ebanghelista na si Billy Graham ay nakaranas din ng pagdududa sa Diyos subalit pinili rin niya ang maniwala at manalig sa Diyos. Si apostol Thomas din ay dumanas ng pagdududa sa Panginoong Jesu-Cristo. Kaya, ang pagsama ng Diyos sa atin ay hindi garantiya na hindi tayo daranas ng pagdududa sa kanya. Subalit kung dumanas man tayo nito, dapat natin itong pagalabanan at piliin ang manalig pa rin sa Diyos.

Sa kabila ng katotohanan at pangako na kasama natin ang Diyos, ang mga pangit at mapapait na karanasan ay hindi mawawala ngunit unti-unti itong napapagtagumpayan at ang epekto nito sa ating buhay ay unti-unting napapawi. Higit pa diyan, ang pagsama sa atin ng Diyos ay nangangahulugan na hindi niya tayo pababayaan. Maraming Cristiano ang may maling pang-unawa ukol sa katagang “hindi tayo pababayaan ng Diyos.” Marami ang nag-iisip na ang ibig sabihin nito ay hindi tayo daranas ng sakuna, kahirapan, pagdurusa, sakit, aksidente, etc. Mali ang ganitong pang-unawa ukol sa katagang “hindi tayo pababayaan ng Diyos.” Ang ibig sabihin ng katagang ito ay sasamahan tayo ng Diyos sa gitna ng mga hapdi, kahirapan, sakuna, sakit, etc. Ang biyaya ng Diyos ay sapat sa atin sa bawat usad ng ating buhay. Ang Diyos ay mayroon laging nakalaan na biyaya na siyang sasama sa atin sa anumang karanasan mayroon tayo ngayon. Hindi tayo libre mula sa mga pangit na pangyayari sa mundong ito kung paano ang Panginoong Jesu-Cristo, ang mga apostol, at ang mga unang Cristiano ay hindi nalibre mula sa pagdurusa na dinanas nila noong kanilang kapanahunan. Subalit kung paano naging sagana ang biyaya ng Diyos na nagbigay lakas sa kanila upang harapin ang lahat ng pagdurusa at hapdi sa kanilang buhay, gayun din naman, ang biyaya ng Diyos ay laging sagana para sa atin upang tulungan tayong harapin ang mga bagyo sa ating buhay. Sa ganitong paraan tayo hindi pinababayaan ng Diyos at sa ganito ring paraan kasama natin ang Diyos.

Dahil ang Immanuel ay isinilang na at dahil dito ang Diyos ay kasama natin, ito’y nagbibigay rin ng paanyaya na kilalanin natin ng lubos ang Diyos. Ang pagsama ng Diyos sa atin ay hindi lamang ukol sa kung anong mga blessings ang maaari nating matanggap mula sa kanya. Hindi lamang tayo dapat mag-focus doon sa katotohanan na hindi niya tayo pababayaan, kundi sa halip ang katotohanan na siya ay kasama natin ay maging isang opportunity na kilalanin natin siya ng lubusan. Kaya nga ang pagparito ng Messias ay isang paanyaya sa atin na makilala pa natin ang Diyos ng lubusan.

Gayun din, dahil ang pangalang “Immanuel” ay nagsasaad ng pagiging kasama natin ang Diyos, dapat lamang na talagang isama natin ang Diyos sa bawat bahagi ng ating buhay. Sa pagpili ng mapapangasawa, sa pagpili ng trabaho, sa ating paglalakad, sa ating kalungkutan, sa ating kasiyahan, sa ating kabiguan, sa ating tagumpay, sa lahat ng mga ito at sa marami pang bagay at gawain natin sa buhay ating isama ang Diyos sa lahat ng ito.

Ito ang hindi natin dapat na malimutan pagkatapos ng Pasko, na ang Diyos ay kasama natin sa anumang oras at saan mang lugar at siya ay laging nariyan upang tayo ay samahan anuman ang ating kinakaharap sa buhay.

Araw Ng Kalayaan Para Sa Iyo

Ngayon ay ang ika-115 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng mga Filipino at ito’y ipinagdiriwang ngayon sa bansang Filipinas at ipinagdiriwang din ito ng mga Filipino na nasa iba’t-ibang panig ng daigdig. Bakit kalayaan? Ano ang dahilan at nagkaroon ng Araw ng Kalayaan?

Para sa kamalayan ng ilan, ang Filpinas ay pinamunuan ng Espanya sa halos 333 taon. Bagamat unang dumating ang mga Espanyol (o mga Kastila [katawagan nila bago ang taong 1470]) sa ating bansa noong Marso 16, 1521, ang pamumunong kolonyal ay hindi nagsimula hanggang sa dumating si Miguel López de Legazpi noong February 13, 1565. Masasabi natin na tayo ay sinakop at pinamunuan ng mga Kastila sa loob ng 300 taon kaya naman marami sa atin ang may apelyidong Kastila at ang ating lengguahe ay mayroon ding halong Kastila.

Bagamat nagdeklara ng kalayaan sina Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898, ito ay hindi kinilala ng Espanya at ng Estados Unidos ng Amerika. Sa halip, isinuko ng Espanya ang Filipinas sa Amerika noong Disyembre 10, 1898 sa Treaty Of Paris at ang Filipinas ay naging teritoryo ng Amerika at napailalim sa kanilang pamumuno hanggang 1946. Noong Hulyo 4, 1946 kinilala ng Amerika ang kalayaan ng Filipinas sa Treaty Of Manila. Iyan ang dahilan kung bakit noon (bago 1964), ang Araw ng Kalayaan ay ipinagdiriwang tuwing ika-4 ng Hulyo. May suspetsa ako na ang dahilan ng pagdedeklara ng kalayaan sa pamumuno ni Gen Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 ay sapagkat nagapi na ng Estados Unidos ang Espanya sa Battle of Manila Bay, halos isang buwan at kalahati na ang nakalilipas (Mayo 1, 1898). Ano’t-ano pa man, ang mahalaga ay nagkaroon ng kalayaan ang Filipinas mula sa 300 taong pamamahala ng Espanya sa ating bansa.

Subalit mayroon pang higit na kalayaan na dapat maranasan ang bawat Filipino. Ito ay ang kalayaan mula sa kasalanan.Kung paano ang Filipinas ay napailalim sa kapangyarihan ng mga Kastila sa mahabang panahon, gayun din ang maraming tao. Sila ay napapailalim sa mahabang panahon sa kapangyarihan ng kasalanan. Sinasabi sa Roma 3:9 na ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng kasalanan, maging Judio man o Hentil.  Lahat ng tao ay alipin ng kasalanan at dahil dito tayo ay hiwalay sa tunay na diwa ng buhay dahil sa kasalanan. Bakit hiwalay sa tunay na diwa ng buhay? Sapagkat ang tunay na diwa ng buhay ay ang pagkakaroon ng tunay na kaugnayan sa pinagmumulan ng buhay, walang iba kundi ang Diyos. Ngunit dahil sa kasalanan, nahiwalay ang tao mula sa Diyos.

Kung ikaw ay nasa kapangyarihan pa ng kasalanan o ikaw ay alipin pa ng anumang uri ng kasalanan, dapat mong malaman na mayroong kalayaan para sa iyo. Kalayaan na nagdudulot ng bagong pag-asa at bagong buhay mula sa Diyos. Kung papaanong ang mga Filipino noon ay nagkaroon ng kasarinlan at kalayaan at hindi na nila kailangang sundin ang pagdidikta ng mga Kastila, gayun din naman, sa oras na maranasan mo ang kalayaang mula Diyos, hindi mo na rin kailangang sumunod sa dikta ng kasalanan sa iyong buhay sapagkat maaari kang mapalaya ng Diyos mula sa pagkaalipin na iyan. Sa Roma 7:22-25 ay mababasa natin ang sinabi ni Pablo: Sa kaibuturan ng aking puso, ako’y nalulugod sa Kautusan ng Diyos. Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking isip; ipinapaalipin ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang nananatili sa aking katawan. Anong saklap ng aking kalagayan! Sino kaya ang magliligtas sa akin sa kalagayang ito na nagpapahamak sa akin? Wala nang iba pa kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!

Kung ikaw ay seryoso at taos sa iyong puso na ikaw ay mapalaya mula sa kasalanan, ang Diyos ay tutugon sa iyo at bibigyan ka niya ng kalayaan mula sa kasalanan na hindi mo matatamo at mararanasan sa pamamagitan ng ibang paraan. Sa oras na ikaw ay taos-pusong manalig sa kanya, ikaw ay pagkakalooban niya ng kapatawaran sa lahat ng iyong kasalanan at simula dito dapat mong pakanasahin ang isa pang napakagandang kaloob niya sa iyo at ito’y walang iba kundi ang Espiritu Santo na siyang bukal ng espirituwal na kapangyarihan tungo sa kalayaan mula sa kasalanan. Sa 2 Corinto 3:17 sinabi sa atin ni Pablo, Ang Panginoong binabanggit dito ay ang Espiritu, at ang Espiritu ng Panginoon ang nagbibigay sa atin ng kalayaan.” Siya ang nagdudulot ng tunay na kalayaan.

Tunay na nakalulungkot na marinig at makita ang maraming tao, kasama na ang mga tunay na Cristiano, na napapailalim sa puwersa ng kasalanan. Hindi natin maitatanggi na kahit ang mga tunay na Cristiano ay nagiging alipin pa rin ng isa o higit pang uri ng kasalanan. Sa panlabas na anyo ay tila ba sila ay mga matatagumpay na mananampalataya. Sa kanilang masigabong pag-aawitan ay tila ba nagpapakita sila ng matagumpay na buhay Cristiano. Ngunit sa kanilang pag-iisa, mayroon silang malalim na pakikipagbaka laban sa kasalanan na umaalipin sa kanila. Ang iba sa kanila ay halos ginawa na ang lahat ng kanilang magagawa ngunit tila ba ang kasalanan ay nananatiling matagumpay laban sa kanila. Dahilan iyan upang ang ilan sa kanila ay tumalikod na lamang sa pananampalataya sapagkat wala silang makitang pag-asa upang lumaya sa pagkaaliping ito. Ngunit nais kong sabihin na mayroong pag-asa ng kalayaan. Mayroong pag-asa kay Cristo.

Hindi naging madali para sa mga Filipino ang magkamit ng kalayaan. Dugo at buhay ang pinuhunan nila para dito. Subalit naging seryoso ang grupo nina Gen. Emilio Aguinaldo para sa kasarinlan at kalayaan at kanilang inihayag ang kalayaan ng sambayanang Filipino noong Hunyo 12, 1898, at ito naging ang simula ng kalayaan ng Filipinas mula sa pamumuno ng mga banyagang Kastila. Nakatitiyak ako na ang mga nakiisa sa Deklarasyong ito ay namuhay ayon sa kanilang ipinahayag na kalayaan. Ngunit ang mga hindi nakaalam ay mas malaman na nanatiling sumusunod sa patakaran ng Espanya hanggang sa isuko nito ang Filipinas sa Amerika noong ika-10 ng Disyembre 1898.

Sa buhay espirituwal, paano ba mararanasan ang kalayaan na ipinagkakaloob ng Diyos? Walang tuwirang sagot sa tanong na ito maliban sa lumapit ka ng taos-puso sa Diyos at siya ang magpapalaya sa iyo. Sa kabilang dako, nais kong magbigay din ng mungkahi upang maging gabay para sa iyong karanasan ng kalayaan mula sa pagkaalipin sa kalasanan.

Una, isuko ang buhay kay Cristo. Maliban na ang buhay mo ay sakupin ng isang mas makapangyarihan, ang pangkasalukuyang namamahala (ang kasalanan) sa iyong buhay ay hindi aalis sa kapangyarihan. Ganun pa man, kahit ikaw ay pinlaya na ng Panginoong Jesu-Cristo, ang kasalanan ay mananatiling magnanais na umupo sa puwesto ng kapangyarihan. Subalit mahalaga na turuan mo ang iyong sarili ng KATOTOHANAN na ikaw ay pinalaya na. Walang iniwan iyan sa mga hindi nakaalam ng katotohanan na nagkaroon na ng deklarasyon ng kalayaan si Gen Aguinaldo. At dahil hindi nila alam ang katotohanan, silay ay sumusunod pa rin sa patakaran ng Espanya. Ngunit sa oras na malaman nila ang katotohanan, ang katotohanan ang magpapalaya sa kanila. At iyan din ang sinabi ni Cristo sa mga nagnanais ng espirituwal na kalayaan: “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” (Juan 8:32).

Pangalawa, upang lubos na hindi makabalik sa puwesto ang kasalanan, kailangan mong hingin ang kapangyarihan ngEspiritu Santo. Alalahanin mong mahina ka kung sa iyong sarili lamang. Subalit mayroong nakalaan na kapangyarihan para sa iyo. Araw-arawin mo ang paghingi sa Diyos ng kapangyarihang ito. Sabihin mo sa kanya na may pagtangis at lubos na pangangailangan na hindi mo maisasapamuhay ang buhay na nakalulugod sa kanya kung hindi niya ipagkakaloob sa iyo ang kapuspusan ng Espiritu Santo sa iyong buhay sa bawat araw.

At pangatlo, lagi mong basahin ang dokumento na nagpapatunay na ikaw ay pinalaya na at iyan ay walang iba kundi ang Banal na Kasulatan. Noong nagdeklara ng kalayaan sina Gen Aguinaldo sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite, kanilang binasa ang tinatawag na Act of the Declaration of Independence. Dokumentado ang kanilang kapahayagan ng kalayaan na pinirmahan ng 98 katao. Gayundin naman, ang dokumento ng nagsasabing tayo ay malaya na ay pirmadong espirituwal ngEspiritu Santo na ang tintang ginamit ay ang dugo ng Panginoong Jesu-Cristo. Dapat lamang na lagi nating basahin ito upang lalong lumakas ang ating pananalig na tayo ay may bagong buhay at bagong katayuan. Isang malayang katayuan sa harap ng Diyos at malayang buhay na galing sa Diyos.

Kaya huwag kang mawalan ng pag-asa. Ang Diyos ay nagnanais na palayain ka at pagkalooban ka ng buhay at kapangyarihan na makapamuhay ng mayroong tunay at lubos na kalayaan mula sa pagkaalipin ng kasalanan. Sa katunayan, ang araw na ito mismo ay maaaring maging Araw ng Kalayaan para sa iyo.

Matagumpay Na Pamumuhay Cristiano

VictoryNapakadaling sabihin at pag-usapan ang tungkol sa pagtatagumpay kay Cristo. Napakadaling maging isang maingay na Cristiano at sumigay ng “victory in Jesus”. Ngunit ang mahalaga sa puso ng Diyos ay kung paano tayo kumikilos at tumutugon sa mga pangyayari sa ating paligid tulad ng pagkilos at pagtugon ni Cristo sa mga ito. Sa lahat ng pagkakataon ang pagiging tulad ni Cristo ang dapat na makita sa bawat nagtataglay ng kanyang buhay. Sapagkat ito ang tunay na kahulugan ng pagtatagumpay. Hindi ito nangangahulugan na tayo’y mamumuhay ng ganap, kundi ito’y nangangahulugan ng pagiging laging handa at nakalaan at nagnanais na sumunod sa kanyang mga yapak, at ito ang mahalaga sa puso ng Diyos. Subalit kung tayo’y tila ba nakikipaglaro lamang sa ating buhay espirituwal at hindi natin siniseryoso ang mga sinasabi ng Diyos sa kanyang Salita, hindi kailanman ito ikalulugod ng Diyos at hindi ito kailanman makakatulong sa pagtatagumpay natin sa ating buhay espirituwal. Magandang isa-isip ang pagiging matagumpay na Cristiano, ngunit kung hindi tayo seryoso sa mga bagay na ukol sa Diyos at sa kanyang Salita, mga salitang kung ating susundin ay siyang tunay na tagumpay, magiging panaginip lamang at haka-haka lamang ang tagumpay na ting isinisigaw at inaawit. Sa madaling sabi, hindi totoo at walang laman ang ating mga sigaw at pag-awit. Ang nakalulungkot, ang mga Cristiano ay binigyan ng Diyos ng lahat ng kanilang kailangan upang maging matagumpay sa buhay espirituwal, ngunit tila ba hindi binibigyang halaga ng maraming Cristiano ang mga ipinagkaloob na ito ng Diyos sa kanila. Maraming Cristiano ang kontento na lang na magsisigaw ukol sa tagumpay kay Crsito kaysa ang maranasan ito sa pamamagitan ng tunay na pagpapasakop ng kanilang buhay at kalooban sa Diyos na tulad ng ginawa ni Cristo. Sa totoo lang, ang katagang “talunang buhay Cristiano” ay isang katagang taliwas o contradictory statement, sapagkat ang buhay Cristiano ay isang pamumuhay na dapat ay matagumpay at hindi talunan. Ito’y dapat na matagumpay sapagkat ito ay buhay ni Cristo na nasa isang Cristiano, at ang buhay ni Cristo ay laging matagumpay.

Ano ang larawan ng iyong buhay espirituwal? Ito ba ay patuloy na matagumpay o ito ay pataas, pababa, pataas, pababa? Mayroong isang kabataan ang inihambing ang buhay Cristiano sa isang life monitor at sinabi niya kung walang pataas at pababa, wala na itong buhay. Totoo na kung life monitor sa hospital ang pag-uusapan, ang kawalan ng pababa at pataas na mga linya ay nagpapahiwatig na wala ng buhay ang taong kinakabitan ng life monitor. Subalit ang prinsipyong iyon ay totoo lamang sa life monitor, ngunit hindi sa buhay Cristiano. Sapagkat ang buhay Cristianong maraming pababa at pataas ay nagpapahiwatig ng kapabayaan ng isang Cristiano sa kanyang kaugnayan sa Diyos. Sa halip, ang diretsong pamumuhay na matagumpay ang tamang larawan ng buhay na tinatahanan ni Cristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Ang tanong ng marami, “Posible ba ang ganitong pamumuhay espirituwal? Maaari bang mamuhay ng diretsong matagumpay ang isang Cristiano?” Ang sagot ay, “Oo, maaaring mamuhay ng diretsong matagumpay ang isang Cristiano.” Kung hindi ka naniniwala dito bakit ka pa umaawit ng mga awiting tungkol sa pagtatagumpay? Bakit ka pa nagpapahayag ng katagang “victorious in Christ”? Higit sa lahat, posible na matamo ang diretsong matagumpay na pamumuhay Cristiano sapagkat ito ang itinuturo ng Salita ng Diyos: “sapagkat napagtagumpayan na ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos.” (1 Juan 5:4-5) Subalit kung ito ay totoo, bakit maraming Cristiano ang tila ba namumuhay na talunan, laging nadadaig ng kasalana, at maraming pataas at pababa sa buhay espirituwal? Ano ang problema sa kanilang pamumuhay?

Nabanggit ko sa pasimula pa lamang na kung hindi natin seseryosohin ang Salita ng Diyos, hindi ito makakatulong sa ating pagtatagumpay sa ating buhay espirituwal. Bagamat totoong nakakatulong sa ating kaluluwa ang pagbabasa ng Biblia dahil ito ay nagbibigay ng encouragement at nagdudulot ng pagkaing espirituwal sa ating kaluluwa, ang hindi pagiging seryoso sa mga panuntunan nito para sa pamumuhay Cristiano ay hindi makakabuti sa sinuman upang maging matagumpay sa kanyang buhay espirituwal. Sa madaling sabi, ang tagumpay sa pamumuhay Cristiano ay nangangailangan ng pagiging seryoso sa Salita ng Diyos. Walang iniwan iyan sa tagumpay sa isang larangan ng palakasan o sports. Ang isang manlalarong hindi sineseryoso ang pagsasanay ay hindi kailanman magiging matagumpay sa palakasan na kanyang kinaaaniban. Kung paano ang mga manlalaro sa kanikanilang larangan ng palaksan ay naging matagumpay, tulad halimbawa ni Manny Pacquiao, dahil kanilang siniseryoso ang kanilang mga pagsasanay, ganun din naman ang mga Cristianong siniseryoso ang Salita ng Diyos sa kanilang buhay; sila’y magtatamo ng tagumpay na nais ng Diyos para sa kanilang buhay espirituwal.

Ngayon, ang isang Cristianong seryoso sa Salita ng Diyos na nagnanais ng tagumpay sa kanyang buhay espirituwal ay seseryosohin ang katotohanang mula sa Biblia na kailangan niya ang Espiritu Santo upang makapamuhay ng matagumpay. Sinabi ng Biblia sa Galacia 5:16, “Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.” Nakikita mo ba ang iyong sarili na tila ba alipin ng hilig ng laman? Kung ikaw ay nasa ganitong kalagayan, hindi mo kailanman mapagtatagumpayan ang hilig ng iyong laman kung wala ang tulong ng Espiritu Santo. Sinasabi rin sa Salita ng Diyos, “Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.” (Ezekiel 36:27). Nahihirapan ka bang sumunod ng patuloy at palagian sa mga utos ng Panginoon na iyong nababasa mula sa kanyang Salita? Muli, kung wala ang tulong ng Espiritu Santo, hindi mo maisasakatuparan ang kanyang mga utos, sapagkat tanging sa pamamagitan lamang ng Espiritu Santo mo tuluyang maisasakatuparan ang mga utos ng Panginoon at sa pamamagitan lamang din ng kapangyarihan ng Espiritu Santo na ikaw ay makakalakad ayon sa kalooban ng Diyos. Ang pamumuhay Cristianong kontento na wala ang kapuspusan ng Espiritu Santo ang isa sa mga pinakamalikang panlilinlang, perwisyo, at pinsala na nagawa ni Satanas sa maraming Cristiano sa ating panahon. Maraming mananampalataya ang hindi siniseryoso ang panawagan ni Apostol Pablo na “dapat kayong mapuspos ng Espiritu.” (Efeso 5:18b).

Maliban na mapuspos ng Espiritu Santo ang isang Cristiano, wala siyang kapangyarihan na pagtagumpayan ang hilig ng kanyang laman, lalo na kung siya ay tila ba alipin na ng hilig na ito. Gayunpaman, kung siya ay mapuspos ng Espiritu Santo, ang tagumpay ay tiyak kung paano ang pagsikat ng araw ay tiyak na darating matapos ang gabing madilim. Ngunit ang tanong, “Ikaw ba’y nagnanais na mapuspos ng Espiritu Santo?” Marahil ang iyong sagot ay, “Oo.” Subalit hindi lamang pagnanais ang isyu dito. Ang isyu dito ay kung ikaw seryosong nagnanais at desperadong nagnanais na mapuspos ng Espiritu Santo upang makapamuhay ka ng matagumpay at sa gayon ay mabigyang lugod mo ang Diyos. Ang isang taong desperado na mapuspos ng Espiritu Santo sapagkat nais niya ng tagumpay laban sa kasalanan at sa hilig ng laman para mabigyang lugod ng Diyos ay hindi bibiguin ng Diyos; ipagkakaloob ng Diyos sa kanya ang kapuspusang ito sapagkat seryso siya na mabigyang lugod at maluwalhati ang Diyos sa kanyang buhay.

Ang pamumuhay ng matagumpay ay hindi para sa ating sarili. Ang pamumuhay ng matagumpay sa ating buhay Cristiano ay para sa ikalulugod at ikaluluwalhati ng Diyos. Ano mang tagumpay sa ating buhay espirituwal na tayo lamang ang makikinabang ay hindi talaga tunay na tagumpay. Maging ang dalawamput apat na pinuno na mababasa natin sa aklat ng Pahayag 4:10 ay inialay ang kanilang korona (o sabihin nan ating tropeo) sa harap ng trono ng Diyos, na nagpapahiwatig lamang na maging ang kanilang tagumpay ay para sa Diyos. Ganun din naman tayo, ang ating tagumpay ay para sa Panginoong Diyos. Muli, ang tanong: “Namumuhay ka ba ng matagumpay?” Dapat lamang na ikaw ay mamuhay ng matagumpay sapagkat walang dahilan upang ikaw ay maging isang talunan, sapagkat nariyan ang kapangyarihan para sa iyong tagumpay na nakalaan lagi para sa iyo.

Si Pedro Calungsod, Ang Biblia, At Ikaw

Noong ika-21 ng Oktubre 2012, si Pedro Calungsod ay ginawang “santo” ng simbahang Romano Katoliko. Maraming Filipino ang nagdiwang sa okasyong ito at ang iba ay nagtungo pa nga sa Roma upang saksihan ang opisyal na paggawad ng simbahan kay Calungsod ng pagiging santo. Ang pagiging santo ni Pedro Calungsod ay sa loob lamang ng simbahang Romano Katoliko at ito ay hindi kinikilala sa simbahang Protestante. At hindi dahil siya ay idineklarang santo ng simbahang Katoliko, siya ay santo na rin sa mata ng langit.

Walang eksaktong tala o record ukol sa sa buhay Cristiano ni Calungsod na maaari nating malaman. Ni ang kanyang bayan na sinilangan ay hindi matiyak, at ni ang kanyang larawan ay hindi tiyak kung ano ang itsura. Ang tanging binigyang diin tungkol sa kanyang buhay ay ang kanyang ginawa sa Guam bilang isang Katolikong misyonero na nagturo ng katekismong Romano Katoliko sa mga taong Chamorro na naghatid sa kanyang kamatayan bilang isang martir.  Ngunit hindi dahil namatay ang isang tao habang siya ay naglilingkod bilang misyonero ng simbahan siya ay tunay ngang santo sa mata ng langit. Maging sa mga simbahang Protestante at Ebangheliko, may mga dumadalo sa mga simabahang ito na hindi pa tunay na born again ang nagtutungo rin sa iba’t-ibang bansa upang maging misyonero, ito man ay pangmatagalan o panandaliang pagmimisyon lamang. Sila ay sumasama lamang sa isang mission group upang makaranas ng pagmimisyon sa ibang bayan. Nababanggit ko ito sapagkat sa mga iglesiang aking dinaluhan dito sa Scotland, nasaksihan ko na may mga ganitong kaso o pangyayari na kahit hindi pa tunay na born again ay naisasama sa pagmimisyon. Kaya, hindi dahil nasa gawaing pagmimisyon ang isang tao, ang kanyang kaugnayan sa Diyos ay tunay. Sa madaling sabi, hindi ang ginawa ng isang tao ang nagdadala sa kanya sa lugar ng pagiging santo. Sa katunayan, ayon sa Biblia ang naghahatid sa atin sa pagiging santo sa mata ng Diyos ay ang ginawa ni Cristo sa ating buhay. Kahit na marating ng isang tao ang lahat ng bansa sa buong daigdig sa pamamagitan ng gawaing pangrelihiyon, kung wala naman siyang tunay na kaugnayan kay Cristo at ang kanyang kaugnayan sa Diyos ay sa pamamagitan lamang ng kanyang relihiyon, ang taong ito ay hindi kinikilala ng langit bilang isang santo. Dahil walang makapagsasabi tungkol sa tunay na kaugnayan ni Calungsod sa Diyos, maliban sa kanyang ginawa at pagiging martir, mahirap sabihin ng tuwiran kung siya nga ay tunay na isang santo o hindi ayon sa pagiging santo na itinuturo ng Salita ng Diyos. Ngayon, mali bang kilalaning santo si Calungsod? May karapatan ba ang Simabahang Katoliko na gawing santo ang isang tao? Ang totoo, wala tayong karapatan na pakialaman ang ginagawa ng simbahang Katoliko sa loob ng kanilang simbahan o hurisdiksyon. At bilang mga Cristianong born again, dapat nating respetuhin ang mga pamamaraan ng pananampalataya ng iba’t-ibang relihiyon kahit na sa ating pananaw ang mga pamamaraang ito ay mali. Ngunit hindi ito nangangahulugan na umaayon tayo sa kanilang mga pamamaraan. Muli, ang paggawad ng pagiging santo kay Calungsod ay sa loob lamang ng simbahang Romano Katoliko at sa kanilang pananaw ito ay hindi mali, bagkus ito ay lubhang tama, sapagkat ito ay dumaan sa mahaba at napakatagal na proseso. Maraming pagsasaliksik at sabihin na natin, pag-iimbestiga, ang isinagawa ng simbahang Katoliko bago igawad ang pagiging santo kay Calungsod. Kaya naman, sa mata ng simbahang Katoliko, ang pagkilala kay Calungsod bilang isang santo ay hindi mali. Para naman sa ating mga hindi Katoliko, ito ay isang “no big deal,” sapagkat kung si Calungsod ay totoong may kaugnayan kay Cristo, siya ay totoong santo kahit hindi siya kilalaning santo ng Romano Katoliko. Kung siya naman ay walang tunay na kaugnayan kay Cristo, siya ay hindi santo sa mata ng langit kahit na siya ay ginawaran pa ng simbahang Katoliko ng titulo ng pagiging santo.

Sa kabila nito, ang nakikita kong problema sa paggawad ng pagiging santo kay Calungsod ay hindi sa parte ni Calungsod mismo. Kung siya man ay tunay na santo sa mata ng Diyos o hindi, tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam. Kung siya man ay kapiling ng Diyos ngayon o hindi, iyon ay hindi na mababago. Kaya sa parte ni Calungsod tapos na ang lahat. Ngunit hindi sa parte ng mga parokyanong Katoliko. Ang paggawad ng pagiging santo kay Calungsod ay maaaring magdala sa maraming Katoliko sa impiyerno. Hindi dahil sa kagagawan ito si Calungsod kung ito man ay mangyari. Bakit ko nasabi na ang paggawad ng pagiging santo kay Calungsod ay maaaring magdala sa maraming Katoliko sa impiyerno? Una, sa halip na sila ay lumapit ng diretso kay Cristo tungo sa Ama (Juan 14:6), mas malamang na ang mangyari ngayon ay may mga Filipinong lalapit kay Calungsod, sa halip na kay Cristo lamang, sa pag-asa na sila ay ilalapit nito sa Diyos. At alam ating ito ay lubhang mali.

Pangalawa, ang mga Katoliko o, at least, ang mga Filipinong Katoliko ay namulat sa sistemang palakasan. At dahil si Calungsod ay isa ng “santo”, malamang na isipin ng ilang Filipino, lalo na ang mga kamag-anak at mga kababayan ni Calungsod, na ang kapatawaran ng kanilang kasalanan at maging ang kanilang kaligtasan ay mas mapapadali na ngayon. Sa madaling sabi, malaki ang posibilidad na sila ay umasa kay Calungsod para sa kapatawaran ng kanilang kasalanan at para sa kanilang kaligtasan.

At pangatlo, may mga Katoliko ngayon na ang panalangin ay iuukol kay Calungsod sa halip na iukol ng tuwiran sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Alam natin na karaniwan ng gawain sa loob ng simbahang Katoliko na ang mga parokyano ay hindi lamang nananalangin sa mga santo, kundi sila rin ay nag-aalay ng kung anu-ano sa kanilang mga santo upang humingi ng pabor. At dahil si Calungsod ay kinikilala nila ngayon bilang isang santo, mas malamang sa hindi na ang mga kababayan niyang Katoliko ay mag-alay ng panalangin sa kanya.

Kapag ang ganitong mga kaisipan ang mamayani sa maraming Filipino (at ito ay hindi imposible), maraming kaluluwa ang tiyak na mapapahamak.

Ngayon, sino ba ang tunay na santo? At ano baa ng ibig sabihin ng salitang “santo?” Ang ibig sabihin ng salitang “santo” ay banal, sa wikang Inggles ay “holy.” Kaya ang sinumang banal ay sinasabing santo. At ang mahalagang tanong ay ito: Sino ang nagdedeklarang banal ang isang tao? O sino ang tahasang makapagsasabi na ang isang tao ay banal? Maaarin bang gawin ito ng isang kapwa tao? Maaari bang ideklara ng isang pinuno ng simbahan na banal ang isang tao at pagkatapos ang buong kalangitan ay dapat sumang-ayon sa deklarasyong iyon? Natural, hindi. Hindi kailanman maaaring magdeklara ng anuman ang isang tao, kahit siya pa ang pinakamataas na pinuno ng isang simbahan o relihiyon, at pagkatapos ang Diyos ay susunod o sasang-ayon sa deklarasyong ito. Sa halip, kung ano ang sinabi ng Diyos, ang tao ang dapat na sumunod. At ano ba ang sinasabi ng Diyos ukol sa pagiging santo? Sino ba ang mga santo?

Ayon sa Biblia, ang mga banal o santo ay yaong mga nakipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya sa kanya. Halimbawa, sa 1 Corinto 1:2 ganito ang sabi ni Apostol Pablo sa Bibliang Inggles na New American Standard Bible, “To the church of God which is at Corinth, to those who have been sanctified in Christ Jesus, saints by calling, with all who in every place call on the name of our Lord Jesus Christ, their Lord and ours”. Sa Bibliang Filipino na Ang Biblia (Edisyon 2001) “Sa iglesia ng Diyos na nasa Corinto, sa mga ginawang banal kay Cristo Jesus, mga tinawag na banal, kasama ng lahat na sa bawat lugar ay tumatawag sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo na kanila at ating Panginoon.” Pansinin ninyo na (1) ang mga Cristianong ito ang iglesiang ito na nasa Corinto ay tinawag na mga saint o mga santo o mga banal nang sila ay nabubuhay pa. Maliwanag na sila ay buhay pa sapagkat si Apostol Pablo ay sumulat pa sa kanila. Sa kabilang dako, sa simbahang Katoliko, hindi idinideklarang santo o banal ang isang tao hanggat siya ay buhay pa. Kinakailangan na siya ay matagal ng namatay bago siya maideklarang santo. Katulad ni Calungsod, si Calungsod ay namatay noong Abril 2, 1672 ngunit ngayon lamang siya idineklarang santo ng simbahang Katoliko, matapos ang 340 taon.

(2) Ang mga taga-Corinto ay hindi mga martir sa pananampalataya, bagkus ang unang sulat ni Pablo sa kanila ay puno ng pagtutuwid dahil sa mga kamalian at kasalanan na nagaganap sa iglesia roon sa Corinto noong panahong iyon.

At (3) tinawag silang santo o banal hindi dahil sa kanilang nagawa para sa Diyos kundi dahil sa kanilang taos-pusong pagtawag sa pangalan ng Panginoong Jesu-Cristo. Sa madaling sabi, ang isang tao na taos-puso o tunay na sasampalataya kay Cristo ay ibibilang ng Diyos na saint o santo o banal kay Cristo.

Narito ang ilang talata mula sa mga sulat ni Apostol Pablo (sa Bibliang Inggles) na nagpapatunay na ang mga nabubuhay na mga mananampalatayang totoo ang siyang mga tunay na santo o saint:

Romans 1:7 – “To all in Rome who are loved by God and called to be saints: Grace and peace to you from God our Father and from the Lord Jesus Christ.”

Romans 15:25 – “Now, however, I am on my way to Jerusalem in the service of the saints there.”

1 Corinthians 1:1 – “Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, and Timothy our brother, To the church of God in Corinth, together with all the saints throughout Achaia:”

2 Corinthians 13:13 – “All the saints send their greetings.”

Ephesians 1:1 – “Paul, an apostle of Christ Jesus by the will of God, To the saints in Ephesus, the faithful in Christ Jesus:”

Batay sa mga talatang iyan mula sa Salita ng Diyos, sino ang mga tinatawag na santo? Walang iba kundi ang lahat ng tunay na nananalig kay Cristo. Kaya, hindi lamang dalawa ang santong Filipino. Marami na ang santong Filipino sa mata ng Diyos. At hindi pa nga natin tiyak kung ang dalawang santong Filipino na kinikilala ng simbahang Katoliko ay kinikilala nga sa langit bilang mga santo. Ngunit nakatitiyak ako, ayon sa Biblia, na lahat ng mga nakipag-isa kay Cristo sa pamamagitan ng isang taos-pusong pananampalataya ay tunay na santo sa mata ng Diyos.

May isang aral si Apostol Pablo na hindi dapat kalimutan ng bawat tunay na Cristiano. Ang sabi niya, “With this in mind, be alert and always keep on praying for all the saints” (Eph. 6:18). Hinihikayat, kundi man inuutusan, ni Pablo ang mga Cristiano na ipinalangin ang lahat ng mga saint o mga santo o mga banal. Ibig sabihin, we will not pray to them, but instead, we must pray for them. Hindi tayo mananalangin sa kanila, kundi sa halip ay dapat na idalangin natin sila. Sa madaling sabi, ang bawat santo ay dapat magdalanginan para sa isa’t-isa, at tayong mga Cristiano ang tinutukoy dito. Dapat tayong magdalanginan para sa isa’t-isa.

Kung hindi ka tiyak na ikaw ay banal sa mata ng langit, wala kang maaaring gawin upang ito ay iyong matamo sapagkat ang pagiging banal o santo sa mata ng Diyos ay hindi dahil sa iyong nagawa o magagawa kundi dahil sa ginawa ni Cristo sa krus at sa kanyang maaaring gawin sa iyong buhay. Naghihintay lamang ang Diyos na taos-puso kang lumapit kay Cristo at siya ay handa na magbigay sa iyo ng bagong buhay at bagong katayuan sa kanyang paningin – isang banal na katayuan sa kanyang paningin.

Pagtataguyod Ng Magandang Kaugnayan Sa Isa’t-isa

Ang mga Cristiano ang isang uri ng mga tao sa ibabaw ng lupa na inaasahan na magiging mahusay sa pagtataguyod ng kanialng relasyon sa kanilang kapwa. Walang ibang dapat na makagawa nito ng higit kesa sa mga taong nakakikilala at mayroong personal na relasyon sa Diyos. Hindi lamang sa kaalaman sa Biblia dapat tayong maging mahusay, hindi lamang ang pagsamba, sa panalangin, sa pangagaral, at iba pang mga gawaing espirituwal tayo dapat na maging mahusay, kundi maging sa ating pakikipag-ugnayan o pakikipagrelasyon sa isa’t-isa bilang magkakapatid sa Panginoon at ganun din sa ating pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa labas ng iglesia.

Alam nating hindi mabuti ang mag-isa sa buhay. Sa katunayan, matapos lalangin ng Diyos ang lahat ng bagay, mayroong isang napakahalagang bagay na napansin ang Diyos. Ano iyon? Napansin niya na “Hindi mabuti na mag-isa ang tao…” (Genesis 2:18). Kailangan ng tao ng isa o higit pang kasama. Kailangan natin ng kasama at ang tulong ng iba. Ang sadyaang pag-iisa ay hindi mabuti para kaninuman, sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, kailangan ng tao ang kaugnayan sa kanyang kapwa – kailangan niya ng kasama at katulong. Ang sabi sa Mangangaral 4:9-12, “Ang dalawa ay mabuti kaysa isa; mas marami ang bunga ng anumang gagawin nila. Kapag nabuwal ang isa, maitatayo siya ng kanyang kasama. Kawawa ang nag-iisa sapagkat walang tutulong sa kanya kapag siya ay nabuwal. Kung malamig ang panahon, maaari silang magtabi sa higaan upang parehong mainitan. Ngunit saan siya kukuha ng init kung nag-iisa siya? Kung ang nag-iisa’y maaaring magtagumpay laban sa isa, lalo na ang dalawa. Ang lubid na may tatlong pilipit na hibla ay hindi agad malalagot.”

Ngunit ano nga ba ang mga kailangan nating gawin upang maitaguyod ang isang magandang relasyon sa ating mga kapatiran at sa ating mga kapwa? Una, mag-ibigan ng tunay sa isa’t-isa. Sinasabi sa 1 Juan 4:7,9, “Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos. Ang hindi umiibig ay hindi kumikilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.” Inulit lamang ni apostol Juan ang napakahalagang utos ng Panginoong Jesu-Cristo sa Juan 13:34 na nagsasabi, “Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” Sa magkakapatiran sa iglesia, ang pag-iibigan ang pinakamataas na dahilan kung bakit dapat itaguyod ang magandang kaugnayan sa isa’t-isa. Dahil mayroong utos sa atin na mag-ibigan tayo sa isa’t-isa, kinakailangan na maitaguyod natin ang kaugnayan sa isa’t-isa sapagkat ang pagkakaroon ng kaugnayan sa isa’t-isa ang pinto upang maipahayag natin ng lubos ang pag-iibigan sa isa’t-isa.

Ang pangalawang kinakailangan nating gawin upang maitaguyod natin ang kaugnayan sa isa’t-isa ay ang pakikipag-usap sa isa’t-isa. Ang pakikipag-usap ay isang pangunahing sangkap ng magandang kaugnayan. Napakahirap (kung hindi man imposible) ang magkaroon ng magandang kaugnayan kung wala ang komunikasyon. Totoo na mayroong mga taong tahimik, subalit hindi ito dahilan upang hindi sila kausapin. Madalas ang kanilang pagiging tahimik ay dahil hindi pa palagay ang kanilang kalooban sa iba. Ngunit kapag sila’y laging kinakausap nagiging palagay sila at nagsisimula silang maging makuwento. Kaya kung nais nating masimulan ang kaugnayan natin sa isang tao, kausapin natin siya o makipag-usap tayo sa kanya. Kung walang komunikasyon, imposible na magkaroon ng tunay na relasyon ang isa’t-isa. Sa panahon natin na ang paraan ng komunikasyon ay hindi na mahirap, wala tayong dahilan upang hindi magawa ang bagay na ito.

Pangatlo, magbigay tayo ng panahon sa ating kapwa. Huwag tayong maging makasarili sa ating oras. Kung nais natin na mapalalim ang ating kaugnayan sa ating kapwa, bigyan natin sila ng panahon. Magsakripisyo tayo ng ating sariling oras.  Marahil ay hindi tayo makasarili kung ang pag-uusapan ay mga gamit o salapi, ngunit kung ang pag-uusapan ay ang pagbibigay ng panahon sa ating kapwa, medyo tila ba hindi tayo komportable sapagkat nais nating gamitin ang ating oras sa mga bagay na pansarili. Ngunit hindi naman kailangang araw-araw ay naroon tayo sa tabi ng ating kapwa. Mayroon lamang mga pagkakataon na humihiling na tayo ay maglaan ng panahon sa kanila. Kung wala tayong panahon sa kanila, wala ring dahilan upang magkaroon ng magandang kaugnayan sa kanila. Ang pagkakaroon ng tunay na kaugnayan ay nangangailangan ng panahon sa isa’t-isa.

Pang-apat, magbigay tayo ng malaking espasyo para sa kanilang pagkakamali. Wala sinuman sa atin ang ganap. Kahit na si Mang Perfecto ay hindi perpekto. Lahat tayo ay nagkakamali paminsan-minsan. At upang magkaroon ng magandang kaugnayan sa isa’t-isa, dapat na maging malinaw sa atin ang katotohanang iyan. Ang pagkakamali ng bawat isa ay hindi dapat maging hadlang sa kaugnayang atin minimithi. Madalas ay nabibigo tayo dahil sa pagkakamali o kahinaan ng ating kapwa. Halimbawa, nangako si Baldo sa atin na siya’y dadalo sa iglesia. Ngunit sa di natin malamang dahilan, wala siya nung araw na iyon. Ang isang reaksyon natin sa susunod na makita natin siya ay ang sabihin sa kanya, “Wala ka pale, drawing ka pala eh!” o anumang katumbas ng ganung pananalita. Subalit ito ay hindi nakakabuti sa ating kaugnayan sa kanya sapagkat maaari siyang magddamdam ng lubos at mawalan ng gana sa iglesia. Matuto tayong magbigay ng malaking espasyo para sa pagkakamali ng iba upang walang maging hadlang sa ating pakikipagrelasyon sa kanila.

At panlima, ipanalangin natin ang isa’t-isa. Sa pagtataguyod ng kaugnayan natin sa ating kapwa, ang panalangin ay may mabisang papel na ginagampanan.  Sa pamamagitan ng pananalangin sa isa’t-isa kumikilos ang Diyos sa buhay na bawa’t isa upang lalong maitaguyod ang minimithing kaugnayan. Sa pamamagitan ng pananalangin sa isa’t-isa nilalangisan ng Espiritu Santo ang ating relasyon sa isa’t-isa at dahil dito ay naiiwasan ang friction  o ang pagbabanggaang walang kabuluhan. Sa pamamagitan ng pananalangin sa isa’t-isa lalo tayong nalalapit sa isa’t-isa sapagkat nakakasama natin ang isa’t-isa sa pamamagitan ng panalangin.

Huwag nawang matapos sa pakikipagkamayan lamang ang ating kaugnayan sa mga kapatiran sa iglesia, sa halip, kung gaano kahigpit natin kinakamayan ang ating mga kapatiran sa loob ng iglesia, ay ganoon ding kahigpit (o higit pa) nating itaguyod ang ating kaugnayan sa kanila. Sa panahon natin na nagkakawindang-windang na ang lagay ng mundo, kailangan natin ang isa’t-isa, kaya naman marapat lamang na itaguyod natin ang ating kaugnayan sa isa’t-isa.

Ang Kahalagahan Ng Pagdedebosyon

Si Tommy ay isang bagong Cristiano. Halos wala pa siyang nalalaman ukol sa buhay Cristiano at sa Salita ng Diyos. Inanyayahan ko si Tommy na pumunta sa aming bahay tuwing Linggo ng gabi upang kami ay magsagawa ng pagdedebosyon na mayroong pagjo-journal. Kanyang pinaunlakan ang aking paanyaya at tinuruan ko si Tommy kung paanong magdebosyon at magsagawa ng journal. Nang muli kaming magkita noong sumunod na Linggo ng gabi, natuwa ako ng lubos sapagkat walang araw na nagmintis si Tommy sa pagsasagawa ng kanyang journal sa buong sanlinggong nagdaan. Sa kanyang pahayag, kanyang ikinasaya ang pagdedebosyon na myroong pagjojournal at maraming ipinakita sa kanya ang Panginoon na dapat niyang matutunan. Wiling-wili siya sa pagsasagawa nito lalo na kapag kanya ng isinusulat ang kanyang mga  panalangin.

Si Tommy ay maraming pakikibaka sa buhay, ngunit nakita niya ngayon mula sa Salita ng Diyos ang pagpapalang espirituwal na bumubusog sa kanyang kaluluwa. Marami siyang natututunan sa kanyang pagdedebosyon at ang ilan sa kanyang mga tanong ay nasasagot at ang iba naman ay kanyang itinatanong sa akin upang kanyang maliwanagan. Ang Diyos ay unti-unting kumikilos kay Tommy sa pamamagitan ng pagjo-journal. Siya mismo ngayon ay nag-aanyaya sa iba na gawin din ang gawaing ito sapagkat alam niya na mayroon itong ginagawa sa kanyang buhay.

Malaki ang magagawa ng pagjo-journal sa buhay ng isang Cristiano. Kaya naman ito ay aking binibigyang diin sapagkat maging sa aking buhay espirituwal at sa buhay espirituwal ng aking pamilya, may malaking papel na ginagampanan ang pagjo-journal na hindi mrahil maidudulot ng ibang gawaing espirituwal. Kaya ang aking hamon at paanyaya ay makilahok kayo sa gawaing espirituwal na ito at makikita ninyo ang kakaibang dulot nito sa inyong buhay espirituwal. Ngunit bakit nga ba napakahalaga at lubhang kailangan ang pagdedebosyon sa buhay ng isang Cristiano?

SINABI NI CRISTO NA ITO AY KAILANGAN

Ang isang dahilan kung bakit kailangan ang pagdedebosyon ay sinabi mismo ng Panginoong Jesu-Cristo na ito ay kailangan. Sa Lucas 10:38-42 ay mababasa natin ang ganito:

Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan nina Marta at ng kapatid niyang si Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo. Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya’t lumapit siya kay Jesus at dumaing, “Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.” Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito’y hindi aalisin sa kanya.”

Ang ginawa ni Maria na pakikinig sa Panginoon ay isang larawan ng pagdedebosyon. Sa talata 42 sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo, “…ngunit iisa lamang ang talagang  kailangan…” Ayon sa pahayag ng Panginoon mismo, ang pakikinig sa kanya, na siyang ginawa ni Maria, ay TALAGANG KAILANGAN. Sa madaling sabi, iisa lamang ang talagang kailangan upang ang ating kaugnayan sa Panginoon ay lumago at tumibay at hindi ang ano pa man. Ang pakikinig na ginawa ni Maria ay ang eksaktong diwa ng pagdedebosyon ng isang Cristiano. Kailangan natin ang pagdedebosyon sapagkat ayon sa Panginoon ito ang talagang kailangan.

Marahil ito na ang pinakamahalagang dahilan kung bakit kailangan ang pagdedebosyon. Sapagat nalalaman ng Panginoon ang magandang idudulot nito para sa ating buhay espirituwal.

PINAPAKAIN ANG ATING KALULUWA

Ang pagdedebosyon ay isa ring magandang paraan upang ang ating kaluluwa ay mapakain. Sa panahon na tayo ay nagbabasa ng Biblia at ating isinusulat ang ating narinig o natutunan mula sa Panginoon, mayroong espirituwal na pagpapala ang nagaganap sa atin, binubusog nito ang ating kaluluwa na hindi maaaring maganap sa ibang paraan. Bakit? Sapagkat ang mga natutunan natin ay nakasulat at maaari nating balik-balikan at ito’y nagpapaalaala sa atin ukol sa mga bagay na ibinulong sa atin ng Panginoon mula sa mga pahina ng kanyang Banal na Salita. Sa gayon, ang ating kaluluwa ay patuloy na magpipiyesta sa mga katotohanang ating natutunan at narinig mula sa Panginoon sa pamamagitan ng kanyang Salita.

PINALALAMBOT ANG ATING PUSO

Ang panahon na inilagi ni Maria sa harapan ng Panginoon ay masasabi nating isa sa mga dakilang panahon sa buhay ni Maria. Ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa isang simple ngunit seryosong paraan ay lubhang napakamapangyarihang espirituwal. Ang mga panahon ng pakikipag-ugnayan sa kanya ay kasangkapan ng Diyos upang mapalambot ang ating puso. Walang tao na matapos makipag-ugnayan sa Diyos sa isang sapat na panahon at  sa isang seryosong paraan ang hindi lalambot ang puso. Nais lagi ng Diyos na baguhin ang puso ng tao. Bakit? Sapagkat ayon sa Biblia:

Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam? (Jeremias 17:9)

Sapagkat sa puso nanggagaling ang masasamang kaisipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagiging saksi para sa kasinungalingan, at paninirang-puri. (Mateo 15:19)

Nais lagi ng Diyos na baguhin at palambutin ang puso ng sinuman na lumalapit sa kanya. Ang sabi sa Ezekiel 36:26, “Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman.” (Ang Biblia). Kapag tayo ay lumalapit sa kanya at nananatili sa kanya sa paraan ng pagdedebosyon, kanyang pinalalambot ang ating puso.

INILALAPIT TAYO NG HIGIT PA SA PANGINOON

Kapag lagi nating kasama ang isang tao, lalo tayong nagkakaroon ng mas malalim na kaugnayan sa kanya. Higit pa natin siyang nakikilala at lalo siyang nagiging mahalaga sa atin. Ganun din sa ating kaugnayan sa Panginoon. Mas higit tayong napapalapit sa Panginoon kapag tayo ay naglalaan ng panahon ng pagdedebosyon sa kanya. Sa katunayan, ito ang pinakamabisang paraan upang lubos tayong mapalapit sa Diiyos at higit pa natin siyang makilala. Mayroong ganitong kapangyarihan ang pagdedebosyon na hindi magagawa ng anomang gawain.

WALA O MABAGAL NA PAGLAGONG ESPIRITUWAL

Ang panahon na ating ginugugol sa piling ng Panginoon at sa kanyang Salita ay laging mayroong bunga, at ang bungang ito ay ang paglagong espirituwal. Hindi makararanas o kaya naman ay mabagal ang paglagong espirituwal ng isang Cristiano kung siya ay hindi maglalaan ng panahon ng pagdedebosyon sa Panginoon. Katulad sa pisikal na katawan na kailangang kumain ng sapat upang lumaki at maging malusog, ang ating espiritu ay kailangan din ng pagkaing espirituwal upang maging malusog at lumago. At ang pinakamabisang paraan upang ang paglagong espirituwal ay maranasan ng isang Cristiano ay walang iba kundi ang panahon ng pag-aaral ng Salita ng Diyos at pagdedebosyon sa Diyos. Sa isang salin sa Filipino ng 1 Pedro 2:2 ganito ang ating mababasa: “Kung magkagayon, gaya ng sanggol na bagong silang, nasain ninyo ang dalisay na gatas na ukol sa espiritu upang lumago kayo” (ASND). Ang “gatas na ukol sa espiritu” ay walang iba kundi ang Salita ng Diyos. Itinakda ng Diyos ayon sa kanyang karunungan na ang kanyang Banal na Salita ya maging kasangkapan upang ang bawat mananampalataya ay lumago sa kanilang buhay espirituwal at sa kanilang kaugnayan sa Diyos.

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng pagdedebosyon sa ating buhay bilang mga mananapalataya. Ituturing kong pagpapatiwakal na espirituwal ang hindi pagdedebosyon sapagkat ang kawalan nito ang kadalasang ugat ng maraming problemang espirituwal mula sa pagkahumaling sa isang kasalanan hanggang sa panlalamig sa buhay espirituwal tungo sa pagtalikod sa pananampalataya.  Kaya kung mayroon man tayong unang dapat na pagsumikapan at pagbutihin sa ating buhay Cristiano ito’y walang iba kundi ang pagkakaroon ng regular at makabuluhang pagdedebosyon.